Antipolo Health Office

Antipolo Health Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Antipolo Health Office, Antipolo.

GENERICS: KATUWANG SA ABOT-KAYA AT DE-KALIDAD NA KALUSUGAN! 🇵🇭Nakikiisa ang CITY HEALTH OFFICE – ANTIPOLO CITY sa pagdir...
30/09/2026

GENERICS: KATUWANG SA ABOT-KAYA AT DE-KALIDAD NA KALUSUGAN! 🇵🇭

Nakikiisa ang CITY HEALTH OFFICE – ANTIPOLO CITY sa pagdiriwang ng Generics Awareness Month 2026 na may temang:

“Kalusugan ng Bawat Pilipino, Generics ang Katuwang Mo!” 💚

Sa bawat pagbili at paggamit ng gamot, mahalagang maging mapanuri, maalam, at wais. Hindi kailangang maging mahal ang pagpapagamot—may mga generic medicines na maaaring makatulong na gawing mas abot-kaya ang pangangalaga sa kalusugan.

📌 Tatlong bagay na dapat tandaan bago bumili ng gamot:

1️⃣ MAY GENERIC BA NITO?
Huwag mag-atubiling magtanong sa inyong doktor o pharmacist kung may available na generic option para sa inyong gamot.

2️⃣ ANO ANG GENERIC NAME?
Alamin ang generic name ng gamot at siguraduhing nauunawaan kung para saan ito at kung paano ito dapat gamitin.

3️⃣ PAANO ITO INIINOM NANG TAMA?
Sundin ang tamang dose, oras, at dalas ng pag-inom ayon sa reseta o payo ng healthcare professional. Iwasan ang self-medication at huwag basta-basta magpalit o tumigil ng gamot nang walang tamang gabay.

✨ Bakit Generics?
✔️ Ligtas, Mabisa, at De-kalidad
✔️ Mas Abot-kaya para sa maraming Pilipino
✔️ Aprubado at Regulado ng FDA

💚 Maging wais sa kalusugan! Sa susunod na bibili o bibigyan ng reseta para sa gamot, itanong muna: “May generic ba nito?”

Dahil ang tamang kaalaman tungkol sa gamot ay mahalagang bahagi ng pangangalaga sa sarili at sa pamilya. 🩺💊

Nakikiisa ang CITY HEALTH OFFICE – ANTIPOLO CITY sa layuning itaguyod ang mas maalam, ligtas, at abot-kayang paggamit ng gamot para sa bawat Antipoleño.

OBESITY PREVENTION AWARENESS WEEK Ngayong unang linggo ng Setyembre, sama-sama nating isulong ang healthy lifestyle at o...
07/09/2026

OBESITY PREVENTION AWARENESS WEEK

Ngayong unang linggo ng Setyembre, sama-sama nating isulong ang healthy lifestyle at obesity prevention!

Ang pagpapanatili ng healthy weight ay mahalagang bahagi ng pangangalaga sa ating kalusugan.

Kaya naman, simulan natin sa simpleng hakbang—balanseng pagkain, regular na physical activity, sapat na tulog, pag-inom ng tubig, at mas healthy na choices araw-araw.

Hindi kailangang magutom o tuluyang alisin ang paboritong pagkain. Ang mahalaga ay tamang balanse, tamang dami, at aktibong pamumuhay.

👉 Swipe through para sa mga simpleng tips kung paano mapapanatili ang healthy weight at mas maalagaan ang kalusugan ng buong pamilya!

Sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Antipolo City Health Office – City Nutrition Services, patuloy nating itinataguyod ang isang mas malusog, mas aktibo, at mas malakas na komunidad.

Healthy choices today, healthier Antipolo tomorrow! 🌱

BAHA? MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS!Ang tubig-baha ay maaaring may Leptospira bacteria na maaaring pumasok sa katawan sa pa...
05/09/2026

BAHA? MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS!

Ang tubig-baha ay maaaring may Leptospira bacteria na maaaring pumasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat o galos sa balat.

Kung maaari, iwasang lumusong sa baha. Kung hindi maiiwasan:
👢 Gumamit ng bota o protective footwear.
🧼 Hugasan agad ng sabon at malinis na tubig ang balat na nalubog sa baha.
🩹 Linisin at takpan ang anumang sugat o galos.

Kapag nagkaroon ng lagnat, pananakit ng katawan, sakit ng ulo, pamumula ng mata, pagsusuka, o paninilaw, magpatingin agad sa health facility.

PAALALA
Wag balewalain kung may exposure sa baha,
Kumonsulta sa health professional o sa
pinaka malapit na Brgy Health Station sa inyong lugar tungkol sa leptospirosis prophylaxis.

Sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, patuloy ang Antipolo City Health Office at CESDRU at Environmental Health and Sanitation Services sa pagsusulong ng kalusugan at kaligtasan ng bawat Antipoleño.

Iwas baha kung maaari. Maglinis agad. Magpatingin kapag may sintomas. 💙

28/08/2026

Leptospirosis Alert 🚨
28/08/2026

Leptospirosis Alert 🚨

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI SA LEPTOSPIROSIS NGAYONG TAG-ULAN

Detalye sa comment section.

🫁💙 HAPPY NATIONAL LUNG MONTH! 💙🫁“Every breath you take, every move you make…” 🎶Bawat hinga ay mahalaga. Kaya ngayong Ago...
18/08/2026

🫁💙 HAPPY NATIONAL LUNG MONTH! 💙🫁

“Every breath you take, every move you make…” 🎶

Bawat hinga ay mahalaga. Kaya ngayong Agosto, National Lung Month, sama-sama nating bigyang-halaga ang ating kalusugan at pangalagaan ang ating mga baga.

Sa panahon ng tag-ulan, mas karaniwan ang mga sakit tulad ng ubo, sipon, trangkaso, at pneumonia.

Kaya mahalagang alagaan ang ating katawan, mula sa pagkakaroon ng malusog na lifestyle hanggang sa pagkain ng masustansya at balanseng pagkain na makatutulong sa pagpapanatili ng ating pangkalahatang kalusugan at resistensya.

Basahin ang ating post at alamin kung anu-anong pagkain ang maaaring makatulong sa pagpapanatili ng malusog na baga.

Sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, patuloy na isinusulong ng Antipolo City Health Office – City Nutrition Services ang mga programa at impormasyon para sa mas malusog na pamumuhay ng bawat Antipoleño.

Alagaan ang ating baga. Kumain nang tama. Huminga nang maluwag. 🫁💙

⚠️ Mag-ingat sa Leptospirosis, Antipolo! 🐀🌧️Alam mo ba? Ang leptospirosis ay sakit na nakukuha mula sa ihi ng daga na na...
18/08/2026

⚠️ Mag-ingat sa Leptospirosis, Antipolo! 🐀🌧️

Alam mo ba? Ang leptospirosis ay sakit na nakukuha mula sa ihi ng daga na nahahalo sa baha.

Ang Sintomas ấy ang mga sumusunod:
– Lagnat
– Pananakit ng katawan
– Paninilaw ng mata
– Pagsusuka
– Pananakit ng ulo at tiyan

💡 Iwasan ito sa pamamagitan ng:
✅ Hindi paglusong sa baha
✅ Pagsuot ng bota kung kailangang lumusong
✅ Paglinis ng paligid at pagtatapon ng basura sa tama
✅ Pag-iwas sa pagkain na na-expose sa tubig baha

📍 Kapag may sintomas, agad magtungo sa pinakamalapit na Health Center o BHS sa inyong lugar o mag patingin sa Antipolo City Health Office.

Paalala mula sa Pamahalaang Lunsod ng Antipolo sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares at Antipolo City Health Office.

Address

Antipolo

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Antipolo Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share