23/07/2026
Share ko lang ang araw ko. Nahold-up ako ng Philhealth 😩😩😩 (last year din naman ganito din pero mas masakit ngayon kasi mas malaki binayaran ko😭😭😭)
Ngrenew uli ako ng aking accreditation as medical practitioner. Although wala ng accreditation fee pero need namin mgbayad ng monthly contribution namin as Philhealth member at yun ay nakabase sa ITR namin, pano kinocompute???? 5% ng monthly income yun ang babayaran ko x 12months for 1 year lang yun.
Ang expiration ng philhealth accreditation namin ay nakabase pala sa expiration din ng PRC namin.
Kapag ngrenew kami bilang doctor, hihingan ka ng certificate of good standing sa PMA at sa kung anong society mo ikaw nag register like ako sa Quezon City MS (may dues kami na need ipay) at kung may specialization ka like ako member ng POGS (Philippine Obstetrics and Gynecology Society) may annual dues din po kami.
Cash pa sila naningil knina, bilis nawala sa mga palad ko ang pera 😩😩😩 Kaya philhealth maawa naman po kayo sa amin bayaran nyo naman po kami on time wag naman po sanang taon bago namin makuha ang Professional fee po namin. 😩🙏
*ngpaalam po ako sa staff ng philhealth knina kung pwede ko kunan ng pic tong pinost ko, in fairness sa Philhealth Fairview napakababait ng staff at guards. Very accommodating at mabilis ang service nila, dahil kumpleto ang requirements ko in 15mins tapos na ako 👍🥰 in 15mins gumaan bigla bag ko 😂😩😝