Dr. Kavin Habiling-Internal Medicine

Dr. Kavin Habiling-Internal Medicine Internal Medicine-Adult Disease Specialist
Health Promotion - Disease Prevention and Control

05/08/2026

‼️Kabsat nga Farmers ken laborers, huwag po nating kalimutan na magsuot ng Bota o mga proteksyon sa katawan kung tayo ay magtratrabaho sa bukid o lulusong sa baha ngayong tag ulan. Dumarami na po ulit ang kaso ng Leptospirosis.

🪱Ang Leptospirosis ay nakamamatay na impeksyon. Ito ay dahil sa isang bacteria na Leptospira. Ang bacteria ay matatagpuan sa ihi ng infected na hayop, karaniwan ay mga daga. Kapag ang ihi na may taglay na Leptospira ay naihalo sa tubig o lupa, maari nitong mainfect ang mga tao na naexpose dito. Ito ang dahilan kung bakit mga Farmers/laborers o mga manggagawa na laging nakababad sa tubig, ang madalas tamaan ng malubhang sakit na ito.

🫀🧠🫁☠️Ang Leptospira ay madaling makapasok sa balat (may sugat o wala) patungo sa sistema ng katawan. Pagkatapos ng ilang araw ay makakaramdam ng mga karaniwang sintomas tulad ng lagnat, mapulang mata, muscle pain, headache, paninilaw at iba pa.
Malubhha ang Komplikasyon ng Leptospirosis katulad ng Kidney failure, pagdurugo ng Baga, Liver failure at iba pang organs ng katawan dahilan ng pagkaDialysis ng iba o pagkamatay.

✅Kung ikaw ay naexpose sa baha, at may nararamdaman sa mga nabanggit na sintomas, tumungo agad sa pinakamalapit na pagamutan para masuri ng Doktor. Bukod doon, ang mga sintomas na nabanggit ay mga karaniwang symptoms ng iba pang sakit tulad ng Dengue Fever, Typhoid fever, Flu at iba pa.

💪Laging tatandaan! Ligtas at Healthy ang may Alam!

01/08/2026

Para sa mga may Hypertension na mas natatakot pa sa Gamot kaysa sa Epekto ng hindi nakontrol na Blood pressure.

Hypertension na Walang gamot, ang resulta—> Heart Failure, Kidney failure, Stroke at iba pa

Hypertension na may gamot, ang resulta—> Healthy Heart, Kidney and Brain

11/07/2026

Laging sumasakit ang Tyan tapos nagpatest ng Uric acid? Ang Uric acid sa Dugo ay magkaiba at walang relasyon na kahit ano sa acido ng ating Tyan. Kailanman ay Hindi nagdudulot ng Hypercidity sa tyan ang mataas na Uric acid. Kundi, ito ang sanhi ng Gouty Arthritis.

Kaunting kaalaman Kabsat, bago mo balakin umAbsent Bukas🤣. Ang pagkakaroon ng mataas na Bad Cholesterol ay hindi nakakah...
09/07/2026

Kaunting kaalaman Kabsat, bago mo balakin umAbsent Bukas🤣. Ang pagkakaroon ng mataas na Bad Cholesterol ay hindi nakakahawa.

UPDATE: Lumabas na mataas ang bad cholesterol ni Sen. Rodante Marcoleta, base sa kaniyang pinakahuling laboratory test. Hinihintay pa ang resulta ng kaniyang 2D echo na magpapakita ng kondisyon ng kaniyang puso. Ginagamot naman ang mild pneumonia ng senador na naka-confine sa PNP General Hospital (PNPGH).

Kung hihingin ng Sandiganbayan ang rekomendasyon ng mga doktor ng PNP, mas mainam na huwag daw ihalo si Marcoleta sa general population kung sakaling umabot sa punto na ililipat na siya sa regular na kulungan, sabi ni Police Lieutenant Colonel Benaly Bayani, chief ng Internal Medicine Department ng PNPGH.

Mas mainam daw na i-isolate ang senador dahil sa kaniyang kondisyon at edad. | via Jun Veneracion/GMA News

Bisitahin ang gmanetwork.com/news para sa iba pang balita.

Parcel Received!😁📢Ifugao General Hospital soon to offer CT SCAN!!🤩🤩🤩
28/05/2026

Parcel Received!😁
📢Ifugao General Hospital soon to offer CT SCAN!!🤩🤩🤩

12/05/2026

May isa akong pasyente na hindi na iniinom ang gamot nya sa High Blood Pressure kasi daw Anemic naman sya kaya may Low Blood Pressure na sya.
Magkaiba po ang Anemia sa Low Blood Pressure. Ang Anemia ay tumutukoy sa mababang bilang/dami ng Dugo na nalalaman sa pamamagitan ng Blood Test sa laboratory💉🩸vs Low Blood Pressure ay Presyon/Pressure ng Dugo na nakukuha sa pamamagitan ng BP Apparatus💪🩺.

21/04/2026

Kaunting Kaalaman: May 5 stages ang Chronic Kidney Disease (CKD). Ikaw ay makakaramdam ng sintomas kapag nasa huling stages, stage 4 at 5. Walang ibang lunas ang CKD maliban sa Kidney Transplant sa huling stage nito.

13/04/2026

Bakit madaming Cordillerans ang may Diabetes?
Hindi naman sila Sweet😂

📣Good News Baguio! We are proud to announce the opening of our Specialty Clinic in the heart of Baguio City-dedicated to...
11/04/2026

📣Good News Baguio! We are proud to announce the opening of our Specialty Clinic in the heart of Baguio City-dedicated to delivering compassionate, high-quality healthcare for you and your entire family.

🩺Our clinic offers comprehensive medical services in FAMILY MEDICINE, INTERNAL MEDICINE AND SURGERY, ensuring that patients of all ages receive personalized and expert care. Let us be your partner in achieving and maintaining good health. Our clinic is also adjacent to other specialty clinics like Pedia and Ob-Gyne.

📍Come visit us and experience healthcare you deserve. We are located in 2nd Fl., Sacred Heart Building, Diego Silang St., Baguio city (behind Jollibee Harrison).

📞For Inquiries and appointments, please contact us at 0954-379-8067/0936-932-9135. We look forward to serving you and your family!

03/04/2026

Blessed Good Friday Kabsat! Congrats, nakaya natin magFasting. Baka effective din ang Dasal bago Kain para matupad na ang plano mong Diet.🙏💪

Address

Baguio City
2600

Opening Hours

Monday 10am - 5pm
Tuesday 10am - 5pm
Wednesday 10am - 5pm
Thursday 1pm - 5pm
Friday 1pm - 5pm
Saturday 1pm - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Kavin Habiling-Internal Medicine posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share