05/10/2026
Sino ba naman ang ayaw sa KACHING KACHING? 💸🤣
Pero Momshie… hindi naman po kami allergic sa pera. 😂
Ang point ni Dr. Ventura: ayaw niyang gumastos kayo sa ultrasound kung hindi pa naman ito ang tamang timing o wala pang clear medical indication.
Kung less than 6 weeks pa lang mula sa last menstrual period (LMP) at wala namang bleeding, abdominal/pelvic pain, severe cramps, dizziness, or other concerning symptoms, bakit minsan hindi muna nirerecommend ang ultrasound?
👉 DAHIL POSIBLENG SOBRANG AGA PA.
Sa very early pregnancy, maaaring may makita nang early pregnancy findings, pero hindi pa lahat ng findings na inaasahan natin ay necessarily visible at that time.
At kapag masyadong maaga ang scan, puwedeng mauwi sa:
“Doc, bakit hindi pa makita nang maayos?” 👀
“Doc, bakit wala pang heartbeat?" 😭
“Doc, kailangan ko na naman bang bumalik?”🥲
“Doc, bayad na naman?”💸😂
Ayan ang ayaw natin!
Hindi dahil ayaw ni Doc ng KACHING KACHING.....
Kundi ayaw niyang kayo ang paulit-ulit na gumastos para sa ultrasound na maaaring mas maging informative kung ginawa sa appropriate timing. 🩺
Kaya kung wala namang concerning symptoms, maaaring mas makabuti na hintayin muna ang appropriate timing para mas meaningful ang findings.
🚨 PERO IMPORTANTENG EXCEPTION!
Kung may bleeding, significant abdominal/pelvic pain, severe cramps, dizziness/fainting, or other concerning symptoms , huwag basta maghintay. Magpatingin agad para ma-assess kung kailangan ng ultrasound or further evaluation.
So kapag sinabi ni Doc:
🗣️“Huwag muna.”
Hindi ibig sabihin:
❌ “Ayaw ko ng pera.” 😂
Ang ibig sabihin:
💜 “Ayaw kitang pagastusin kung hindi pa iyon ang makabubuti sa’yo.”
Because yes…
"SINO BA NAMAN ANG AYAW SA KACHING KACHING?💸🤣
Pero sa clinic, mas gusto namin ang:
KACHING KACHING + TAMANG TIMING + TAMANG INDICATION. 😂🩺
Because your money matters.
Your safety matters more. 💜
PATIENT SAFETY BEFORE PATIENT SATISFACTION.
Alagang Totoo.