29/04/2026
🌞 IWAS SA INIT, LIGTAS SA SAKIT!
Habang patuloy ang mataas na temperatura, huwag nating hayaang malagay sa panganib ang ating kalusugan. Ang matinding init ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke, na maaaring maging delikado kung mapapabayaan.
Kapag ikaw ay nakaramdam ng pagkahilo, lagnat, pangangalay, mainit na balat, o pagkawala ng malay, agad na kumilos at magpatingin.
Simpleng paraan para makaiwas:
✔️ Uminom ng sapat na tubig
✔️ Iwasan ang matinding sikat ng araw
✔️ Gumamit ng payong o sumbrero
✔️ Magpahinga at limitahan ang mabibigat na gawain
Para sa konsultasyon, bumisita sa Alcala Municipal Health Office.