07/09/2026
Thyroid Cancer Awareness: WHAT, WHY & HOW
WHAT is thyroid cancer?
Ang thyroid cancer ay cancer na nagsisimula sa mga cells ng thyroid gland, isang maliit na glandula sa harap ng leeg na gumagawa ng hormones na tumutulong sa metabolism at iba pang mahahalagang functions ng katawan.
Kadalasan, walang sintomas sa early stages, kaya mahalaga ang pagiging aware sa anumang bagong bukol o pagbabago sa leeg.
WHY does it matter?
Early detection can help with earlier diagnosis and appropriate treatment. Magandang bantayan ang mga sumusunod:
🔎 Mga maaaring senyales:
– Bagong bukol o pamamaga sa leeg
– Bukol na patuloy na lumalaki
– Pagbabago sa boses, gaya ng pamamalat
– Hirap o pananakit sa paglunok
– Hirap sa paghinga
– Namamagang kulani sa leeg
Hindi lahat ng bukol sa thyroid ay cancer. Maraming thyroid nodules ang benign, kaya hindi sapat ang sintomas lamang para malaman kung cancerous ito.
HOW can we protect our thyroid health?
✅ Magpakonsulta kung may bagong bukol o pamamaga sa leeg
✅ Magpatingin kung may persistent na pagbabago sa boses o hirap lumunok
✅ Thyroid ultrasound kung clinically indicated
✅ Kung kinakailangan, maaaring gawin ang fine-needle aspiration biopsy (FNAB) para masuri ang thyroid nodule
✅ Huwag balewalain ang bukol kahit walang ibang sintomas
✅ Regular follow-up para sa mga may thyroid nodules o may risk factors
Remember: Hindi lahat ng thyroid nodule ay cancer—but every suspicious thyroid nodule deserves proper evaluation.
🌿 Know your thyroid. Know the warning signs. Seek care early.
Ang kaalaman ngayon ay pag-asa bukas.