03/03/2026
Original by our Intern, Marky from CvSU-Indang.𝖨𝖬𝖢
Tingin mo ba ’di mo kaya? Pinanghihinaan ka ba ng loob? Normal mangamba, pero sana mas piliing kayanin at subukan.”
Ilang beses mo na bang tinanong ang sarili mo ng ganito? Sa gitna ng katahimikan ng gabi, kapag ikaw lang at ang mga iniisip mo, kapag ang bigat ng responsibilidad ay tila nakadagan sa dibdib mo. May mga sandaling parang mas malakas ang boses ng pagdududa kaysa sa boses ng paniniwala.
Kaya kung ngayon ay nagdududa ka, kung pakiramdam mo’y hindi mo kaya, huminga ka. Kilalanin mo ang takot mo, pero huwag mong hayaang ito ang magdikta ng magiging desisyon mo. Piliin mong lumaban. Piliin mong maniwala, kahit kaunti lang muna.