19/07/2026
Maraming salamat sa lahat ng kabataang nakiisa at nagpakita ng kanilang husay sa ginanap na tryouts para sa District Linggo ng Kabataan.
Lubos naming pinahahalagahan ang inyong oras, dedikasyon, at pagsisikap na maging bahagi ng koponang magrerepresenta sa ating Barangay Manupal. Hintayin lamang po ang opisyal na anunsyo ng lineup ng mga mapipiling manlalaro.
Anuman ang maging resulta, ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng pagkakaisa, sportsmanship, at pagmamahal sa barangay.
Muli, maraming salamat at mabuhay ang kabataang Manupal! ππ