Cancer Answers PH :: Ann Meredith Garcia Trinidad, M.D.

Cancer Answers PH :: Ann Meredith Garcia Trinidad, M.D. FREE HEALTH TIPS
Dr. Ann Meredith Garcia Trinidad
Medical Oncologist (Cancer Specialist)

❤️ Layunin ng Cancer Answers PH page na magbahagi ng tamang impormasyon tungkol sa kanser at itama ang mga maling paniniwala tungkol dito. Sana ay maliwanagan at magabayan ang publiko para makaiwas at maagapan ang anumang kanser bago pa man ito lumala.
⚠️ Tandaan: Ang mga impormasyon dito ay para lamang sa EDUKASYON ng publiko at HINDI naglalayong pumalit sa aktwal na konsultasyon sa isan

g doktor. HINDI ito maaaring ituring na personal na rekomendasyon para sa inyong kalusugan. Para sa inyong mga personal medical concern, pinakamabuti pa rin po na kayo ay aktwal na matignan ng isang doktor.
👩‍⚕️ ANN MEREDITH GARCIA TRINIDAD, MD, MCM, FPCP, FPSMO, FPSO
Medical Oncologist (Cancer Specialist)
Master of Clinical Medicine (Major in Medical Oncology)
Diplomate & Fellow, Philippine College of Physicians
Diplomate & Fellow, Philippine Society of Medical Oncology
Fellow, Philippine Society of Oncology
--------------------------------------
Facebook: https://www.facebook.com/DrMeredithGT
Twitter: https://twitter.com/DrMeredithGT
Instagram: https://www.instagram.com/DrMeredithGT
YouTube: https://www.youtube.com/
LinkedIn: https://www.linkedin.com/in/DrMeredithGT

🎗️ Ilang porsyento ng mga bukol sa suso ang maaaring cancer?Kapag may nakapang bukol sa suso, normal lang na kabahan.Per...
05/07/2026

🎗️ Ilang porsyento ng mga bukol sa suso ang maaaring cancer?

Kapag may nakapang bukol sa suso, normal lang na kabahan.

Pero tandaan:

✅ Overall, humigit-kumulang 8–10% lamang ng mga bukol sa suso ang nauuwi sa diagnosis ng breast cancer. Ibig sabihin, 9️⃣ sa bawat 🔟 bukol ay hindi cancer.

📌 Pero mahalagang tandaan: Ang porsyentong ito ay nakadepende rin sa edad.

🔹 Sa mga mas nakababatang kababaihan (hal: teens, nasa 20s, at marami sa nasa 30s), mas madalas na ang bukol ay benign o hindi cancer, gaya ng fibroadenoma, cyst, o fibrocystic changes.

🔹 Habang tumataas ang edad, lalo na 40 taong gulang pataas at higit pa pagkatapos ng menopause, tumataas din ang posibilidad na ang isang bagong bukol ay cancer. Kaya mas mahalagang huwag balewalain ang anumang bagong bukol.

📋 Ano ang BI-RADS?

Kapag nagpa-breast ultrasound o mammogram, makakakita ka ng BI-RADS score. Ito ang sistema ng mga radiologist para ilarawan kung gaano kahina-hinala ang nakita sa imaging.

🟢 BI-RADS 1–2: Normal o benign.
🟡 BI-RADS 3: Malamang benign (95% ang posibilidad ng cancer at nangangailangan ng agarang biopsy at evaluation.

⚠️ Tandaan: Ang BI-RADS ay hindi diagnosis. Gabay lamang ito sa susunod na hakbang. Biopsy pa rin ang makakapagsabi kung cancer o hindi.

🎀 Kailan dapat magpa-screening kung wala namang bukol?

✔️ Average-risk women
• Inirerekomendang magsimula ng screening mammogram sa edad na 40, pagkatapos ay taun-taon o kada 1–2 taon, depende sa napag-usapan ninyo ng inyong doktor at sa inyong personal risk.

✔️ High-risk women (hal: may BRCA mutation, malakas na family history)
• Maaaring kailanganing magsimula ng mas maaga, at maaaring mammogram at breast MRI ang irekomenda. Kumonsulta sa inyong doktor para sa tamang plano.

📌 Kung may bagong bukol, hindi na ito screening—diagnostic evaluation na ito. Huwag hintaying dumating ang schedule ng inyong screening mammogram. Magpatingin agad para mapayuhan ng susunod na hakbang.

💗 Hindi lahat ng bukol sa suso ay cancer, pero lahat ng bagong bukol ay nararapat na masuri. Ang maagang pagpapatingin at tamang screening ay nakatutulong sa mas maagang diagnosis at mas mataas na tsansa ng successful treatment.

04/07/2026

Ano ang ibig sabihin ng “NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS” sa mga
food/herbal supplements?

⬇️ See pinned comment ⬇️

📢 Libre o may   coverage na para sa ilang   tests!Ang mga PhilHealth members na naka-enroll sa Yakap Clinic Program ay m...
14/06/2026

📢 Libre o may coverage na para sa ilang tests!

Ang mga PhilHealth members na naka-enroll sa Yakap Clinic Program ay maaaring mag-avail ng ilang outpatient cancer screening tests depende sa kanilang edad, risk factors, at health assessment.

✅ Kabilang dito ang:
• Breast cancer screening: Mammogram, breast ultrasound (sononammogram)
• Lung cancer screening: Low-dose chest CT scan
• Colorectal cancer screening: Colonoscopy
• Liver cancer screening: Liver ultrasound, alpha-fetoprotein (AFP) blood test

⚠️ Mahalagang tandaan:
• Hindi lahat ng miyembro ay awtomatikong qualified sa lahat ng tests. Kailangan munang ma-assess ng Yakap physician upang malaman kung aling screening test ang naaangkop sa iyo.
• Ang screening ay para sa mga taong wala pang sintomas (asymptomatic).

📝 Paano mag-avail?
1️⃣ Mag-register sa PhilHealth Yakap Clinic o PhilHealth portal.
2️⃣ Sumailalim sa health assessment ng Yakap physician.
3️⃣ Dalhin ang lab request sa accredited screening facility.

🎗️ Ang maagang pagtuklas ng cancer ay mahalaga para sa maagap na paggamot at mas mataas na tsansa ng paggaling.

📌 Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na PhilHealth office o Yakap Clinic para malaman kung ikaw ay kwalipikado.

🔍 ANO ANG KULANI AT KAILAN ITO DAPAT IPA-BIOPSY?Ang kulani (lymph node o lusay) ay bahagi ng ating immune system na tumu...
14/06/2026

🔍 ANO ANG KULANI AT KAILAN ITO DAPAT IPA-BIOPSY?

Ang kulani (lymph node o lusay) ay bahagi ng ating immune system na tumutulong lumaban sa impeksyon at iba pang sakit. Karamihan ng kulani ay normal at hindi nakakapinsala.

📍 Ang kulani ay maaaring makita sa:
• Leeg
• Kili-kili
• Singit
• Likod ng tenga
• Ilalim ng panga

⚠️ Hindi lahat ng kulani ay cancer.
Sa katunayan, ang pinakakaraniwang sanhi ng pamamaga ng kulani ay impeksyon.

⚠️ Pero dapat itong ipatingin sa doktor kung:

✅ Mas malaki sa humigit-kumulang 1.5 cm (halos kasukat ng 1-peso coin)
✅ Tumatagal nang higit 4 na linggo
✅ Walang malinaw na senyales ng impeksyon (ubo, sirang ngipin, pigsa, atbp.)
✅ Hindi lumiit kahit natapos na ang gamutan para sa impeksyon
✅ May kasamang lagnat, pagpapawis sa gabi, o hindi sinasadyang pagbaba ng timbang
✅ Mabilis lumaki, nagdidikit-dikit, o matigas at hindi naigagalaw
✅ Nagsugat, dumugo, o pumutok

⚠️ Maaaring kailanganin ang biopsy upang makumpirma ang diagnosis.

💡 Walang “pangtunaw” sa kulani. Para magamot ito nang tama, mahalagang malaman muna ang sanhi.

🔥 IS MICROWAVING FOOD IN PLASTIC SAFE?Marami sa atin ang nag-iinit ng pagkain sa plastic containers, pero hindi lahat ng...
12/06/2026

🔥 IS MICROWAVING FOOD IN PLASTIC SAFE?

Marami sa atin ang nag-iinit ng pagkain sa plastic containers, pero hindi lahat ng plastic ay pare-pareho.

✅ Ang pinakamahalagang tandaan:
Hanapin ang label na “MICROWAVE-SAFE.”
Mas mahalaga ito kaysa sa recycling number ( #1– #7).

🟢 PP ( #5 o Polypropylene) ang isa sa mga pinakakaraniwang materyales na ginagamit sa microwave-safe food containers.

⚠️ Mag-ingat sa:
• Single-use plastic containers at bottles
• Styrofoam containers
• Plastics na walang microwave-safe label
• Cracked, warped, o luma nang plastic containers

🥣 Kung may duda, piliin ang:
✅ Microwave-safe glass
✅ Microwave-safe ceramic

❌ Huwag ilagay sa microwave:
• Stainless steel
• Aluminum foil
• Containers na may metallic parts

💡 Sa kasalukuyan, walang malinaw na ebidensiya na ang pag-microwave ng approved food-grade plastic containers ay direktang nagdudulot ng cancer. Pero mahalaga pa ring gamitin ang tamang lalagyan para sa tamang gamit.

The best kind of news 🙏 From Stage IV to NED (no evidence of disease/remission) since 2025 🙏(The patient is currently on...
07/06/2026

The best kind of news 🙏 From Stage IV to NED (no evidence of disease/remission) since 2025 🙏

(The patient is currently on targeted therapy + hormonal therapy for ER+/PR+/HER2– breast cancer.)

‼️ 8 POSSIBLE SIGNS OF BREAST CANCER ‼️***PLEASE RESPECT THE PHOTOS – FOR EDUCATIONAL PURPOSES ONLY***1️⃣ Bukol sa suso2...
07/06/2026

‼️ 8 POSSIBLE SIGNS OF BREAST CANCER ‼️

***PLEASE RESPECT THE PHOTOS – FOR EDUCATIONAL PURPOSES ONLY***

1️⃣ Bukol sa suso
2️⃣ Pamumula ng balat sa suso
3️⃣ Pamamanas o pangangapal ng balat sa suso (peau d'orange)
4️⃣ Paghatak paloob o pagbaliktad ng utong (ni**le retraction)
5️⃣ Pagkakaroon ng parang dimple sa suso (dimpling)
6️⃣ Pagsusugat ng balat sa suso
7️⃣ Abnormal na likido mula sa utong (bloody ni**le discharge)
8️⃣ Kulani sa kilikili


05/06/2026

Comment below kung may gusto kayong malaman tungkol sa mga gamot ni Ms. Kaye Abad:
💊 Ribociclib (targeted therapy)
💊 Letrozole (hormonal therapy)
💉 Ovarian function suppression (injection)

Metastatic breast cancer survivor since 2019 🙏So proud of you, Ma'am Connie—dedicated active barangay health worker sinc...
04/06/2026

Metastatic breast cancer survivor since 2019 🙏

So proud of you, Ma'am Connie—dedicated active barangay health worker since 1️⃣9️⃣8️⃣4️⃣—mas matagal na siyang BHW kaysa sa edad ko! 👏

Maintained on oral chemotherapy since 2020 at hindi pa kami nagpalit ng gamot ever since. Malakas pa siyang nagbabahay-bahay para makatulong sa health needs ng kanyang mga kabarangay.

Mahaba pa po ang misyon mo, Ma'am Connie 🙏

*Posted with patient's permission

Address

Dagupan City

Telephone

+63756366891

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cancer Answers PH :: Ann Meredith Garcia Trinidad, M.D. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share