21/05/2026
“Hindi porket masakit… kailangan agad malakas ang diin.”
Maraming therapist ang nagkakamali sa sobrang lakas agad ng pressure.
Pero sa totoo lang, mas importante ang tamang proseso kaysa biglaang madiin.
Kapag sobrang diin agad:
❌ Nagugulat ang muscle
❌ Nagkakaroon ng muscle guarding o paninigas
❌ Mas lalong nagde-defend ang katawan
❌ Pwedeng mas sumakit pagkatapos ng session
Kaya sa tamang therapy,
✅ Dahan-dahan muna ang pressure
✅ Pinapakalma muna ang muscle at fascia
✅ Hinahanap muna kung saan talaga ang tension o spasm
✅ Unti-unting pinapalalim habang nagre-relax ang katawan
Parang katawan din ng tao yan…
Kapag binigla mo, lalaban.
Kapag tama ang approach, kusa yang bibigay at magre-release.
Hindi paramihan ng lakas ang massage.
Mas importante ang control, timing, at tamang flow ng therapist.