04/06/2026
๐๐๐ญ๐๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ฆ๐๐ซ๐ค๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ ๐๐๐ก๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐
LUNGSOD NG SAN FERNANDO, PAMPANGA โ Nagsagawa ang Batangas Medical Center (BatMC) ng isang Lakbay Aral o Benchmarking Activity sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital (JBLMGH) noong Hunyo 2, 2026, bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na mapahusay ang kalidad ng mga serbisyong pangkalusugan at mga sistemang pang-organisasyon ng ospital.
Pinangunahan ang delegasyon ng BatMC ni Medical Center Chief II Dr. Maritess Teresita M. Torio. Ang aktibidad ay inorganisa nina Dr. Nilo M. Alcoreza, Head ng Quality Improvement, Infection Prevention and Control, Performance Governance System and Patient Safety (QIIPPS) Unit, at Ms. Zarah Abigail B. Arceo, Senior Health Program Officer at Chairperson ng Document Control Center.
Layunin ng benchmarking activity na makakalap ng mahahalagang kaalaman, makapagbahagi ng mga karanasan, at makapag-obserba ng mga pinakamahusay na kasanayan (best practices) na maaaring maisakatuparan sa BatMC upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng pangangalaga at serbisyong ibinibigay sa publiko.
Mainit na sinalubong ang delegasyon ng BatMC ng mga opisyal ng JBLMGH na pinangunahan nina Dr. Alfonso Danac, Chief of Medical Professional Staff II; Dr. Godofredo Jose P. Hizon, Chief ng Professional Education, Training and Research Office; Ms. Evelyn Gamboa, Chief Administrative Officer; Dr. Jose Saporne, Chief Health Program Officer; at Mr. Edwin C. Maniago, Chief Nurse.
Nagsimula ang programa sa presentasyon ni Mr. Fede A. Jaspe, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil sa ISO-Integrated Management System (ISO-IMS) Accreditation ng JBLMGH. Sinundan ito ng talakayan ni Ms. Melinda Estrada tungkol sa mga programa ng kanilang Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee, partikular ang mga mekanismo ng pagkilala at pagbibigay-insentibo sa mga empleyadong nagpapakita ng natatanging pagganap.
Ibinahagi rin ng JBLMGH ang kanilang Hospital Development Plan, na nagsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga estratehiya at programang naglalayong higit pang mapalakas ang kapasidad ng ospital, mapabuti ang kalidad ng serbisyo, at matugunan ang patuloy na nagbabagong pangangailangan ng mga pasyente at komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
Ibinahagi rin ni Dr. Hena Aldaba-Papio ang impormasyon tungkol sa Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT), kabilang ang mga proseso at estratehiya sa pagtugon sa mga emerhensiya at sakuna. Nagbigay ito ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng isang organisado at mahusay na emergency response system sa loob ng institusyong pangkalusugan.
Bilang bahagi ng aktibidad, binisita rin ng delegasyon ang ibaโt ibang pasilidad at tanggapan ng JBLMGH upang higit na maunawaan ang operasyon at mga serbisyong ipinagkakaloob ng ospital.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinalalakas ng BatMC ang kultura ng kahusayan, inobasyon, at patuloy na pagpapabuti upang matiyak ang ligtas, episyente, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pasyente.
Isinulat ni: Dr. Michael Angelo J. Arteza