Klik Kalusugan

Klik Kalusugan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Klik Kalusugan, Health & Wellness Website, Adventist Medical Center College, Iligan City.

Mag-scroll nang may pag-iingat! 📱Huwag basta magtiwala sa health information sa social media. Ang tamang diagnosis ay ga...
19/05/2026

Mag-scroll nang may pag-iingat! 📱
Huwag basta magtiwala sa health information sa social media. Ang tamang diagnosis ay galing sa propesyonal, hindi sa haka-haka. 🩺






04/05/2026

Ang Dilation and Curettage (D&C) ay maaaring magdulot ng banayad na pagdurugo, kaunting cramps, at spotting sa loob ng ilang araw pagkatapos ng procedure.
Ngunit hindi na ito normal kung malakas o tuloy-tuloy ang pagdurugo, napupuno ang pad kada oras, may malalaking clots, may lagnat, o mabahong discharge—maaaring senyales ito ng komplikasyon o impeksyon.
Bantayan ang iyong katawan, sundin ang tamang pag-aalaga tulad ng paggamit ng sanitary pads at pagpapahinga, at kung lumalala ang sintomas o hindi humuhupa, magpatingin agad sa healthcare provider.






02/05/2026

Ang GERD ay maaaring magdulot ng heartburn, asim na lasa sa bibig, at pakiramdam na may umaakyat na pagkain mula sa tiyan paakyat sa lalamunan.
Alamin ang mga trigger tulad ng kape, alak, at paghiga agad pagkatapos kumain, at iwasan ang mga ito.
Kung madalas na ang mga sintomas o nakakaapekto na sa tulog at araw-araw na gawain, magpatingin agad sa healthcare provider.






01/05/2026

May dugo pa rin after manganak? Hindi agad ibig sabihin may problema.
Alamin ang normal na lochia at ang warning signs para iwas komplikasyon at safe si mommy.
Kapag may kakaiba, huwag maghintay magpatingin agad.






30/04/2026

Ang myoma ay maaaring magdulot ng malakas na regla, buo-buong dugo, pananakit o bigat sa puson, at madaling pagkapagod.
Alamin ang kondisyon at magpatingin para sa tamang pagsusuri at gamutan.
Kung tuloy-tuloy ang pagdurugo o may matinding panghihina, magpatingin agad sa healthcare provider.






28/04/2026

Ang allergy ay maaaring magdulot ng pangangati, sipon, rashes, o pamamaga.
Alamin ang sanhi at iwasan ang triggers.
Kung malala o biglaan ang reaksyon, magpatingin agad sa healthcare provider.






28/04/2026

Ang dengue ay maaaring magsimula sa mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng katawan, at minsan ay rashes.
Huwag mag-self medicate—kumonsulta agad sa healthcare provider.






Address

Adventist Medical Center College
Iligan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Klik Kalusugan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share