17/05/2026
βπππππ πππ πππππππππππβ β ππππππππ πππππ ππππππππ ππ πππ ππππππ
Naglabas ng opisyal na tugon si MBHTE Minister Mohagher Iqbal kaugnay sa liham ng Office of the Chief Minister (OCM) na humihiling sa kanyang pagbibitiw kasunod ng lumabas na findings ng COA Special Audit Team laban sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE).
Sa kanyang liham na may petsang Mayo 16, 2026 na naka-address kay Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, iginiit ni Iqbal na ang mga lumabas na audit findings ay preliminary pa lamang at hindi pa pinal na desisyon o pormal na kaso.
Binigyang-diin din niya na wala pang criminal preliminary investigation o formal charges na naisampa laban sa kanya kaugnay ng nasabing audit findings. Ayon pa kay Iqbal, patuloy na nakikipagkoordinasyon ang MBHTE sa COA upang maipaliwanag at matugunan ang mga isyung inilabas sa audit process.
Sa liham, ipinahayag din ni Iqbal ang kanyang paniniwala na mahalagang masunod ang due process at mabigyan siya ng sapat na pagkakataong makapagpaliwanag bago magkaroon ng anumang aksyon laban sa kanya.
Ipinunto rin niya na ang kanyang pagbibitiw sa kasalukuyang yugto ng audit ay maaaring bigyang-kahulugan bilang pag-amin ng pagkakasala kahit wala pang pinal na resulta ang proseso.
Dahil dito, malinaw na sinabi ni Iqbal na hindi siya magbibitiw sa pwesto sa ngayon at hindi siya pumapayag na ituring na βdeemed resignedβ habang nagpapatuloy ang audit at wala pang pinal na resolusyon.
Kasabay nito, tiniyak ni Iqbal na patuloy niyang gagampanan ang kanyang tungkulin bilang MBHTE Minister at makikipagtulungan siya sa anumang legal at imbestigatibong proseso upang malinawan ang usapin.