Al Madale Mental Health Nurse

Al Madale Mental Health Nurse Certified as Therapeutic Art Life Coach, Certified NLP

Types of Schizophrenia Spectrum and Other Psychotic DisordersUnderstanding the different disorders within the schizophre...
10/07/2026

Types of Schizophrenia Spectrum and Other Psychotic Disorders

Understanding the different disorders within the schizophrenia spectrum helps nurses recognize their unique features while providing safe, compassionate, and evidence-based care. Although these disorders share psychotic symptoms, each has distinct characteristics, duration, and causes that are important for clinical assessment and treatment planning.

Nurse’s Clinical Pearl: When caring for a person with schizophrenia, prioritize building trust through therapeutic communication, promote reality testing, encourage independence in self-care, monitor medication effects, and perform ongoing risk assessments. A calm, consistent, and non-judgmental approach is one of the most powerful nursing interventions.

📚 Reference:
Varcarolis’ Foundations of Psychiatric Mental Health Nursing: A Clinical Approach.

25/03/2026

Hindi ko alam kung tama ba na ishare ko ‘to… pero baka may makarelate.

Dati kasi, sobrang tutok ako sa trabaho. Tipong lagi kong sinasabi sa sarili ko, “para naman ‘to sa pamilya ko.” Kaya okay lang kahit lagi akong wala, kahit lagi akong pagod, kahit madalas tulog na sila pag uwi ko.

May isang gabi, umuwi ako late. Tahimik na yung bahay. Tulog na asawa ko, tulog na rin mga anak ko. Sa lamesa may pagkain… malamig na. Tapos may maliit na papel, sulat ng anak ko.

“Pa, hinintay kita. Next time sabay tayo.”

Hindi ko naman agad pinansin nung una. Kumain lang ako, tapos natulog. Pero kinabukasan, ewan ko… bigla ko siyang naalala. Parang may kumurot.

Kasi totoo naman… ilang beses ko na bang sinabi yung “next time”? Ilang beses ko na bang hindi natupad?

Hanggang sa napansin ko, hindi na sila naghihintay. Hindi na nagtatanong kung anong oras ako uuwi. Parang nasanay na lang sila na wala ako.

Doon ko narealize… mali pala ako.

Akala ko dati, pera ang pinaka-importante. Pero hindi pala. Kasi yung oras na hindi ko naibigay sa kanila, hindi ko na mababalikan.

Time is more than gold.

Kasi yung pera, pwede mo pang kitain ulit. Pero yung oras na nawala wala na talaga.

Ngayon, sinusubukan ko lang maging present. Kahit simpleng sabay kumain, kwentuhan, o makinig lang. Hindi naman pala kailangan ng sobra… oras lang talaga.

Share ko lang… baka kasi may katulad ko na sobrang busy, tapos hindi na napapansin yung mga ganitong bagay.

Ty po

- sender

25/03/2026
21/03/2026

Inbox sender,

Hindi ko alam kung kanino ko ito dapat sabihin, kaya dito na lang.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako madaling pakisamahan. Minsan napapansin ko na mabilis akong mainis, madaling mag-judge, at parang lagi akong may nasasabing masakit sa ibang tao, kahit hindi ko naman intensyon na makasakit. Pero ang totoo, may part sa akin na alam na mali na… pero parang hindi ko mapigilan.

Halimbawa kahapon sa trabaho… may kasama ako na nagkamali lang naman sa maliit na bagay. Hindi niya agad naayos yung report. Sa harap ng iba, napataas boses ko at nasabi ko, “Simple na nga lang ‘yan, hindi mo pa magawa?” Tahimik lang siya, pero nakita ko yung mukha niya parang napahiya. Pag-uwi ko, doon ko lang narealize… sobra na pala ako. Hindi naman niya deserve yun.

Nakakapagod din pala maging ganito. Kasi kahit ako, hindi ko na gusto yung ugali ko. Naiinis ako sa sarili ko pagkatapos ng mga ginawa at nasabi ko. Minsan naiisip ko, “Ganito na lang ba ako habang buhay?”

Gusto kong magbago. Totoo. Pero hindi ko alam saan magsisimula. Paano ba baguhin yung ugali na parang matagal nang nakasanayan? Paano ba kontrolin yung galit, yung pagiging harsh, yung pagiging… toxic?

Hindi ko na alam kung sino ako minsan yung taong gusto kong maging mabait, o yung taong lagi kong nagiging kabaligtaran.

Kung may nababasa niyo po ito… ano ba ang unang hakbang? Paano ako magsisimula ulit?

- Sender

Paano ba o saan ba dapat mag simula ?

03/03/2026

Hello everyone !!!

Type one thing you are grateful for .

Address

Brgy. Mahayahay
Iligan City

Telephone

+639705893787

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Al Madale Mental Health Nurse posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Al Madale Mental Health Nurse:

Shortcuts

Share