07/04/2026
Kalusugang pangkaisipan ay dapat bigyan pansin. Sama-sama nating itaguyod ang kamalayan at suporta para sa bawat Koronadaleรฑos ๐
๐Para sa mga susunod na iskedyul at updates, i-follow ang aming page:
FB: Koronadal MHSP
๐ง [email protected]
๐ฑ 0962 399 6862
๐๐ฌ๐ฒ๐๐ก๐ข๐๐ญ๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐, ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ
Magpapatuloy ang pagbibigay ng medical at psychiatric services ng Lungsod ng Koronadal. Itoโy matapos na pagtibayin ng Sangguniang Panlungsod ang isang resolusyon, na inakda ni Councilor Charene Kristelle C. Jumilla-Pama, na nagbibigay ng kapangyarihan kay City Mayor Erlinda P. Araquil upang pumasok at lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama si Dr. Marjorie Paz Calud.
Layunin ng kasunduang ito ang pagpapatuloy sa pagbibigay ng serbisyong medikal at saykayatriko bilang bahagi ng pagpapalakas ng programang pangkalusugan lalo na sa aspeto ng mental health.
Batay sa nasabing resolusyon, mahalaga ang patuloy na serbisyo ni Dr. Calud upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng may suliraning pangkaisipan. Matatandaang nagsilbi si Dr. Calud sa City Health Center mula Enero hanggang Disyembre 2025.