abarCaDa goaLs

abarCaDa goaLs Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from abarCaDa goaLs, Child Development, UPLB/Child Development Laboratory, Los Baños.

From ABAKADA (learning) to BARKADA (friendship), we are UPLB BSHE-HFD practicum students serving to craft fun and meaningful experiences where children can learn, connect, and grow together 🌈

INANG MAKILING, MAHAL KA NAMIN! 🎨✨Mas naging makulay ang buhay sa CDL nang bumisita ang ating mga chikiting sa Sining Ma...
11/05/2026

INANG MAKILING, MAHAL KA NAMIN! 🎨✨

Mas naging makulay ang buhay sa CDL nang bumisita ang ating mga chikiting sa Sining Makiling Gallery noong nakaraang Huwebes, ika-7 ng Mayo! 🖼️🌈

Sa pangunguna ni Tr. Rhea Bailey, isang dating CDL teacher, kasama ang mga Ate at Kuya na dati ring CDL students, naging mas makahulugan ang kanilang paglalakbay sa mundo ng sining. Sila ang gumabay at nagbahagi ng mga kwento sa likod ng mga masterpieces, at ang ilan pa nga sa mga paintings ay sarili nilang likha kaya lalong nabuhay ang inspirasyon sa puso ng mga bata. ✨

Nakinig din ang CDL kids sa kuwentong “Mayumi: A Forest Pig,” at pagkatapos ay lumikha ng sarili nilang paintings gamit ang kanilang pagkamalikhain. 🎨🌿

At sa bawat kulay na kanilang ipininta, tila mas lalong nagkaroon ng hugis at buhay ang pag-usbong ng kanilang mga pangarap. 💫


𝑶𝒖𝒓 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 𝑻𝒐𝒖𝒓 𝑩𝒆𝒈𝒊𝒏𝒔 𝑯𝒆𝒓𝒆 𝒂𝒕 𝑪𝑫𝑳 ✈️🌍Isang masayang paglalakbay ang naranasan ng ating mga munting explorers! Sa pangung...
07/05/2026

𝑶𝒖𝒓 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 𝑻𝒐𝒖𝒓 𝑩𝒆𝒈𝒊𝒏𝒔 𝑯𝒆𝒓𝒆 𝒂𝒕 𝑪𝑫𝑳 ✈️🌍

Isang masayang paglalakbay ang naranasan ng ating mga munting explorers! Sa pangunguna ng mga CDL teachers at tulong galing sa mga practicumers, sumikat ang kasabikan sa mukha ng bawat isang mag-aaral ng CDL 😊

Mula paglipad sa himpapawid hanggang sa pagtikim ng iba’t ibang pagkain 🍝🍢, nilibot ng mga bata ang mundo sa pamamagitan ng limang masasayang stations:

📍Station 1: The Flight Experience (Takeoff simulation & Wonders of the World)
📍Station 2: Postcard Making (Heartfelt messages & creative souvenirs)
📍Station 3: Flag Identity (I Spy & flag matching game)
📍Station 4: People & Language (Greeting the world & memory games)
📍Station 5: Global Flavors (Sensory food trip: Siomai, Kimbap, Croissants & more!)

Baon ang kanilang mga tickets at postcards, ang ating mga bata ay umuwing puno ng bagong kaalaman at saya. Hanggang sa susunod nating adventure! 🎫✨


𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐨𝐟 𝐅𝐥𝐨𝐰: 𝐁𝐞𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐇𝐚𝐛𝐢𝐭𝐬, 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐢𝐧 𝐇𝐚𝐫𝐦𝐨𝐧𝐲 ✨🧑‍🧑‍🧒‍🧒Noong ika tatlumpu ng Abril, matagumpay na naisagawa ang i...
06/05/2026

𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐨𝐟 𝐅𝐥𝐨𝐰: 𝐁𝐞𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐇𝐚𝐛𝐢𝐭𝐬, 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐢𝐧 𝐇𝐚𝐫𝐦𝐨𝐧𝐲 ✨🧑‍🧑‍🧒‍🧒

Noong ika tatlumpu ng Abril, matagumpay na naisagawa ang isang makabuluhang seminar para sa mga magulang na pinamagatang Foundations of Flow: Better Habits, Family in Harmony.

Ginanap ito sa Clothing and Textile Laboratory at dinaluhan ng labinsiyam (19) na mga kalahok na sabik na matuto at makibahagi.

Sa pangunguna ng ating resource speaker na si Teacher Ria Sanchez, naging masigla at makahulugan ang talakayan tungkol sa kahalagahan ng positive parenting at paghubog ng mas maayos na samahan sa loob ng pamilya.

Ibinahagi niya ang mga praktikal na paraan kung paano mapapalakas ang ugnayan ng bawat miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng tamang gawi at bukas na komunikasyon.

Hindi lamang ito naging isang simpleng seminar kundi isang pagkakataon upang magnilay, matuto, at magbahagi ng karanasan bilang mga magulang.

Kitang kita ang aktibong pakikilahok ng bawat isa na nagbigay buhay sa buong programa.

Sa pagtatapos ng gawain, umuwi ang bawat kalahok na may bagong kaalaman at inspirasyon upang patuloy na mapanatili ang isang masaya at nagkakaisang pamilya


𝐌𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤𝐚𝐧: 𝐓𝐮𝐤𝐥𝐚𝐬𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐛𝐚’𝐭 𝐈𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐞𝐭𝐚! 🌌✨Isa na namang makabuluhan at punong-puno ng saya ang araw sa CDL...
05/05/2026

𝐌𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤𝐚𝐧: 𝐓𝐮𝐤𝐥𝐚𝐬𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐛𝐚’𝐭 𝐈𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐞𝐭𝐚! 🌌✨

Isa na namang makabuluhan at punong-puno ng saya ang araw sa CDL! Sa pinakahuling batch ng practice teaching, masiglang nakisali ang mga bata sa paglalakbay sa kalawakan—kung saan kanilang natutunan ang iba’t ibang planeta sa ating solar system.

Sa pangunguna nina Teacher Kris at Teacher Pat, masayang naipakilala sa mga bata ang bawat planeta at ang kanilang mga natatanging katangian. Hindi lang natapos sa pakikinig—nagkaroon din sila ng malikhaing gawain kung saan gumawa sila ng sarili nilang "solar system bracelets" gamit ang mga makulay na planet beads! 🪐

Bukod dito, pinakinggan din nila ang nakakatuwang kuwento ni Tasha Soars, na lalo pang nagpasigla sa kanilang imahinasyon at pagmamahal sa pagkatuto tungkol sa kalawakan at mundo. 🌙🎨

Kitang-kita ang saya at pagmamalaki ng bawat bata habang suot ang kanilang mga likhang bracelet—patunay na ang pagkatuto ay mas masaya kapag ito’y sinasabayan ng likha, kwento, at saya! 💫

𝙋𝘼𝙂-𝘼𝙇𝘼𝙂𝘼 𝙎𝘼 𝙆𝘼𝙇𝙄𝙆𝘼𝙎𝘼𝙉, 𝙎𝙄𝙈𝙐𝙇𝘼𝙉 𝙃𝘼𝘽𝘼𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙏𝘼! 🌍🩵Pinangunahan nina Tr. Moi (PKA) at Tr. Yanna (PKB), noong ika-21 ng Abril...
04/05/2026

𝙋𝘼𝙂-𝘼𝙇𝘼𝙂𝘼 𝙎𝘼 𝙆𝘼𝙇𝙄𝙆𝘼𝙎𝘼𝙉, 𝙎𝙄𝙈𝙐𝙇𝘼𝙉 𝙃𝘼𝘽𝘼𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙏𝘼! 🌍🩵

Pinangunahan nina Tr. Moi (PKA) at Tr. Yanna (PKB), noong ika-21 ng Abril 2026, ang isang talakayan kung bakit mahalaga ang pangangalaga sa ating kalikasan.

Sa kanilang Happy Earth Activity, kitang-kita ang galak ng mga batang CDL habang ibinabahagi nila ang iba’t ibang paraan kung paano nila napoprotektahan ang kalikasan. Makikita rin ang kanilang pananabik sa mga interaktibong gawain tulad ng Trash or Treasure at Ocean Clean-Up, na inihanda nina Tr. Moi at Tr. Yanna, kung saan natutunan nila ang mga simpleng paraan ng pangangalaga sa kalikasan.

Tunghayan kung gaano sila kasabik habang binabasa nina Tr. Moi at Tr. Yanna ang makulay na kuwentong The Gardens of Little Loves, na nagtuturo na tulad ng mga bata—bagama’t may iba’t ibang pangangailangan—ang mga halaman ay lalago nang maganda kapag napupunan ng sapat na pagmamahal at pag-aaruga.



𝑬𝑿𝑻𝑹𝑨 𝑯𝑨𝑷𝑷𝒀 𝑺𝑨 𝑨𝑹𝑨𝑾-𝑨𝑹𝑨𝑾! ✨Sa CDL, 𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦-𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑔𝑜𝑠 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑖𝑦𝑎ℎ𝑎𝑛 sa bawat pagpasok ng ating mga chikiting! Kasama an...
18/04/2026

𝑬𝑿𝑻𝑹𝑨 𝑯𝑨𝑷𝑷𝒀 𝑺𝑨 𝑨𝑹𝑨𝑾-𝑨𝑹𝑨𝑾! ✨

Sa CDL, 𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦-𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑔𝑜𝑠 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑖𝑦𝑎ℎ𝑎𝑛 sa bawat pagpasok ng ating mga chikiting! Kasama ang mga masigasig na practicum student teachers at masisipag na CDL teachers, 𝑝𝑎𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔ℎ𝑎ℎ𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑘ℎ𝑎𝑖𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑤𝑎𝑖𝑛 na nagbibigay 𝐬𝐚𝐲𝐚 at 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧 sa mga bata 🌈🎨

Sa mga nagdaang araw, naging mas kapana-panabik ang kanilang pagkatuto sa pamamagitan ng 𝑖𝑏𝑎’𝑡 𝑖𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑜𝑢𝑡𝑑𝑜𝑜𝑟 𝑎𝑡 𝑖𝑛𝑑𝑜𝑜𝑟 𝑎𝑐𝑡𝑖𝑣𝑖𝑡𝑖𝑒𝑠. Naranasan nilang gumawa ng 𝐰𝐚𝐭𝐞𝐫𝐦𝐞𝐥𝐨𝐧 𝐬𝐡𝐚𝐤𝐞 🍉, 𝐦𝐚𝐠-𝐝𝐞𝐜𝐨𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐜𝐡𝐮𝐫𝐫𝐨𝐬 🍩, at 𝐥𝐮𝐦𝐢𝐤𝐡𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐡𝐚𝐲𝐨𝐩 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐝𝐚𝐡𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢𝐝 🍃

Sa bawat gawain, hindi lamang puro saya ngunit ito rin ay ℎ𝑢𝑚𝑢ℎ𝑢𝑏𝑜𝑔 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑜𝑡𝑜𝑟 𝑠𝑘𝑖𝑙𝑙𝑠, 𝑐𝑜𝑔𝑛𝑖𝑡𝑖𝑣𝑒 𝑎𝑏𝑖𝑙𝑖𝑡𝑖𝑒𝑠, 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑒𝑣𝑒𝑙𝑜𝑝𝑚𝑒𝑛𝑡.

𝑺𝒂 𝑪𝑫𝑳, 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒂𝒓𝒂𝒘 𝒂𝒚 𝒑𝒖𝒏𝒐 𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒚𝒂 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈-𝒖𝒏𝒍𝒂𝒅 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏! 😁✏️


𝑴𝑨𝒀 𝑩𝑨𝑮𝑶𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑰𝑩𝑰𝑮𝑨𝑵 𝑨𝑵𝑮 𝑴𝑮𝑨 𝑩𝑨𝑻𝑨𝑵𝑮 𝑪𝑫𝑳… 𝑺𝑰 𝑷𝑼𝑭𝑭! ☁️Sa 𝐢𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠, kitang-kita sa ngiti at ning...
17/04/2026

𝑴𝑨𝒀 𝑩𝑨𝑮𝑶𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑰𝑩𝑰𝑮𝑨𝑵 𝑨𝑵𝑮 𝑴𝑮𝑨 𝑩𝑨𝑻𝑨𝑵𝑮 𝑪𝑫𝑳… 𝑺𝑰 𝑷𝑼𝑭𝑭! ☁️

Sa 𝐢𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠, kitang-kita sa ngiti at ningning ng mga mata ng mga bata ang kanilang kasiyahan at kasabikan sa mga inihandang gawain tungkol sa 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐫𝐢 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐲𝐨𝐩 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐩𝐮𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐡𝐢𝐦𝐩𝐚𝐩𝐚𝐰𝐢𝐝 🦋🐞

Noong 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟒 𝐧𝐠 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟔, lumikha ang mga bata ng kani-kanilang 𝑛𝑒𝑠𝑡 🪹 𝑎𝑡 𝑖𝑏𝑜𝑛 🦅 gamit ang kanilang fine motor skills at malikhaing pag-iisip. Buong interes din silang nakinig at nakilahok sa talakayan tungkol 𝑠𝑎 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑖𝑏𝑎’𝑡 𝑖𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑟𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 ℎ𝑎𝑦𝑜𝑝 𝑠𝑎 ℎ𝑖𝑚𝑝𝑎𝑝𝑎𝑤𝑖𝑑. Higit sa lahat, buong galak nilang tinanggap ang kanilang 𝑏𝑎𝑔𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑠𝑖 𝑃𝑢𝑓𝑓 ☁️ na mula sa isang kwentong napakinggan nila.

Tulad ng hangin, 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚 sa bawat sandali ng pagtuturo 🌈👩‍🏫


𝑵𝑨𝑵𝑨𝑰𝑮 𝑨𝑵𝑮 𝑺𝑨𝒀𝑨 𝑺𝑨 𝑮𝑰𝑻𝑵𝑨 𝑵𝑮 𝑻𝑨𝑮-𝑰𝑵𝑰𝑻! ☀️😄Punong-puno ng kaalaman at kasiyahan ang isinagawang 𝐖𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐅𝐮𝐧 𝐃𝐚𝐲 sa CDL noong...
15/04/2026

𝑵𝑨𝑵𝑨𝑰𝑮 𝑨𝑵𝑮 𝑺𝑨𝒀𝑨 𝑺𝑨 𝑮𝑰𝑻𝑵𝑨 𝑵𝑮 𝑻𝑨𝑮-𝑰𝑵𝑰𝑻! ☀️😄

Punong-puno ng kaalaman at kasiyahan ang isinagawang 𝐖𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐅𝐮𝐧 𝐃𝐚𝐲 sa CDL noong Biyernes, ika-10 ng Abril 2026. Mula sa 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘶𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘥𝘢 at 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘯𝘪𝘴 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘮𝘪𝘵𝘢𝘯 hanggang sa 𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯 at sa 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘱𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘰𝘺 (likha mula sa poster paint), naranasan ng mga batang CDL ang 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐛𝐢𝐠 🌊

Siyempre, hindi rin nawala ang kanilang malalaking ngiti sa 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘵𝘳𝘢𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘣𝘣𝘭𝘦𝘴, na siyang munting souvenir na kanilang dadalhin hanggang sa kanilang pagtanda 🫧

Tunay ngang hindi lang mga swimming pool ang napuno ng tubig, kundi pati 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒅𝒂𝒈𝒅𝒂𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒍𝒂𝒂𝒍𝒂 🌈🤍


Isang masaya at makabuluhang karanasan ang aming practice teaching sa Child Development Laboratory (CDL) noong ika-8 ng ...
12/04/2026

Isang masaya at makabuluhang karanasan ang aming practice teaching sa Child Development Laboratory (CDL) noong ika-8 ng Abril! 🌊✨

Sa araw na ito, tinalakay namin ang 𝙞𝙗𝙖’𝙩 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙮𝙤𝙥 𝙨𝙖 𝙩𝙪𝙗𝙞𝙜 mula sa makukulay na isda hanggang sa kahanga-hangang nilalang sa karagatan. 🐠🐙 Kitang-kita ang saya at interes ng mga bata habang sila ay nakikinig, sumasagot, at nakikilahok sa bawat gawain.

Hindi lamang kaalaman ang naibahagi, kundi pati na rin ang kumpiyansa at kasiyahan sa pagkatuto. 💙

Sa bawat aral, may bagong tuklas—at sa bawat ngiti, may inspirasyong nabubuo.

✨ 𝐒𝐮𝐦𝐢𝐬𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲-𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭!🐬

🌿✨𝘾𝘿𝙇 𝙂𝙊𝙀𝙎 𝙏𝙊 𝙈𝘽𝙂✨🌿Noong nakaraang Biyernes, March 27, muling napuno ng saya at sigla ang ating mga CDL Kids💚 kasama ang...
01/04/2026

🌿✨𝘾𝘿𝙇 𝙂𝙊𝙀𝙎 𝙏𝙊 𝙈𝘽𝙂✨🌿

Noong nakaraang Biyernes, March 27, muling napuno ng saya at sigla ang ating mga CDL Kids💚 kasama ang kanilang mga parents, guardians, teachers, at CDL Practicumers sa isang makabuluhang paglalakbay sa 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐨𝐭𝐚𝐧𝐢𝐜 𝐆𝐚𝐫𝐝𝐞𝐧𝐬.🌳🌺

Sa espesyal na Friday Funday na ito, naranasan ng mga bata ang pag-explore ng kalikasan🍃 mula sa paglalakad sa luntiang paligid hanggang sa pagtuklas ng iba’t ibang puno, halaman, at iba pang likas na yaman. Hindi lang ito basta field trip, kundi isang pagkakataon upang matuto habang nag-eenjoy.🎒🌈

Mas naging espesyal ang araw dahil sa mga fun at interactive activities🎯 na inihanda ng ating masisipag na CDL Practicumers, kung saan lalong tumibay ang samahan at bonding ng bawat pamilya.👨‍👩‍👧‍👦💞

📸𝑯𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒔𝒖𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅 𝒏𝒂 𝑭𝒓𝒊𝒅𝒂𝒚 𝑭𝒖𝒏𝒅𝒂𝒚, 𝑪𝑫𝑳 𝒇𝒂𝒎! 💚

Address

UPLB/Child Development Laboratory
Los Baños
4030

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when abarCaDa goaLs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share