Institute of Philippine Culture

Institute of Philippine Culture The Institute of Philippine Culture is a social science research organization of the School of Social Sciences of the Ateneo de Manila University.

The INSTITUTE OF PHILIPPINE CULTURE is a social science research organization of the School of Social Sciences of the Loyola Schools, Ateneo de Manila University. Founded in 1960, the IPC seeks a better understanding of culture and society in the Philippines and other Asian countries, an improved quality of life for disadvantaged groups, and a more peaceful, just, and equitable national and global

society. To realize its vision, the IPC has set the following goals:

1. Make significant contributions through scholarly and action research to knowledge generation and theory building on Philippine society and culture, locating these within comparable expressions in the Asian region;
Enhance the capabilities of development agencies in civil society, government, and business through knowledge-based training programs;

2. Develop partnerships with nongovernment organizations, people’s organizations, and communities engaged in participatory research, action, and advocacy; and

3. Play a significant part in the attainment of the mission and goals of the Ateneo de Manila University.

AIRTIME NA NG INTERNS SA HUWEBES! SAMAHAN NIYO KAMING KILALANIN ANG MGA INTERNS NG MRIPU 2026.Ibabahagi nila ang kanilan...
04/08/2026

AIRTIME NA NG INTERNS SA HUWEBES!

SAMAHAN NIYO KAMING KILALANIN ANG MGA INTERNS NG MRIPU 2026.

Ibabahagi nila ang kanilang mga karanasan sa natatanging internship program ng IPC. Higit sa makabuluhang pagkatuto, busog pa sa tawanan at masasayang kwentuhan, tatak IPC β€˜yan!

Nood ka, ano tara?

Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 n.h.

---

Ang programang π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang iba’t ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.






πŸπŸŽπŸπŸ” πƒπšπ­πš.𝐎𝐫𝐠 πƒπšπ­πš & π€πˆ π…πžπ₯π₯𝐨𝐰𝘐𝘯𝘒𝘢𝘨𝘢𝘳𝘒𝘭 𝘍π˜ͺ𝘯𝘷𝘦𝘳𝘴𝘦 𝘍𝘦𝘭𝘭𝘰𝘸𝘴𝘩π˜ͺ𝘱Excited to share that Dr. Batangan has been accepted for the ...
04/08/2026

πŸπŸŽπŸπŸ” πƒπšπ­πš.𝐎𝐫𝐠 πƒπšπ­πš & π€πˆ π…πžπ₯π₯𝐨𝐰
𝘐𝘯𝘒𝘢𝘨𝘢𝘳𝘒𝘭 𝘍π˜ͺ𝘯𝘷𝘦𝘳𝘴𝘦 𝘍𝘦𝘭𝘭𝘰𝘸𝘴𝘩π˜ͺ𝘱

Excited to share that Dr. Batangan has been accepted for the inaugural Finverse Fellowship cohort with DataDotOrg! We are looking forward to using Finverse to tackle some of the data and AI challenges we face in advancing financial health across our community, and to learning alongside a great group of fellow organizations across Asia Pacific. More to come as the fellowship unfolds!

https://www.ateneo.edu/news/2026/08/dr-dennis-b-batangan-selected-2026-dataorg-data-ai-fellow?fbclid=IwY2xjawTeHxlleHRuA2FlbQIxMQBzcnRjBmFwcF9pZAEwAAEeQ4y4IMb8y3_XSGusUCz87-uoQgV9Os63_rmVxTg_FKbCnfpbdh4z51oXfvs_aem_ocFSp5QGOqtKhCdhe159ow

SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS... OKAY LANG BA? πŸ˜…Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 n.h.Sa huling bahagi ng ating serye,...
29/07/2026

SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS... OKAY LANG BA? πŸ˜…

Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 n.h.

Sa huling bahagi ng ating serye, pag-usapan natin kung ano ang pwedeng maging epekto ng inaasahang 92 days impeachment trial. Dahil gaganapin lamang ang mga pagdinig nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo, inaasahan nating tatakbo ang prosesong ito nang ilang buwan. Bukod pa rito, sasabay pa ang pagtalakay sa 2027 National Budget at ang mga pa-andar hinggil sa 2028 national elections. Bagaman may mga panukala na upang mapaikli ang trial, hindi maiiwasang matanong kung hanggang kailan ba kakayanin ng taumbayan ang prosesong ito. Sa episode na ito, pag-usapan natin kung makikita ba in the long run ang kabuluhan nito, o unti-unti na lang ba tayong lalamunin ng matinding fatigue buhat nito.

Makakasama natin sa episode na ito sina Rian Piamonte (Research Assistant, Ateneo–IPC) at John Rovic Catangay (Research Assistant, Ateneo–IPC).

Bahagi ito ng isang three-part special series na naglalayong himayin ang prosesong ito higit pa sa aspetong legal. Tinitignan ng seryeng ito ang proseso bilang isang malaking panlipunang kaganapan na sumasalamin sa ating political climate, ang demand for accountability, at ang mga pag-iisip ng masa habang gumugulong ang trial. Layon ng seryeng ito na bigyan ang publiko ng kritikal na gabay upang mas maunawaan ang mga nangyayari sa loob at labas ng Senado, at kung paano ito makakaapekto sa buhay ng karaniwang Pilipino. Nais ding himayin ng seryeng ito ang mga gampanin ng mga institusyon at batas sa pagpapanagot sa mga opisyal ng gobyerno. Higit sa lahat, nais nating matulungan ang taumbayan na maging mapanuring manonood sa gitna ng matinding krisis pulitikal.

---

Ang programang π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang iba’t ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.






SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS AT SURIIN NATIN ANG POLITICAL COST NG IMPEACHMENT TRIAL.Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:0...
22/07/2026

SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS AT SURIIN NATIN ANG POLITICAL COST NG IMPEACHMENT TRIAL.

Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 n.h.

Habang patuloy na umiinit ang mga kaganapan sa Impeachment Trial, unti-unti nang lumilitaw ang masalimuot na pagbabanggaan ng batas at pansariling interes sa loob ng Senado. Sa ikalawang bahagi ng seryeng ito, susuriin natin ang political cost na bumabalot sa paglilitis na ito at kung paano posibleng makaapekto ito sa kapasyahan ng mga senator-judges. Layon ng episode na ito na unawain ang mismong mekanismo kung paano nagpapadala ng "market signals" o demand ang taumbayan, at kung papaano mababalanse ng mga senador-judges ang namumuong pampublikong sentimyento hinggil sa impeachment at sa paparating na 2028 national elections. Higit pa rito, tatalakayin din natin ang iba pang mga salik o variables na posible ring makaapekto sa galaw ng impeachment trial tulad ng mga pansariling interes, ideological divides, at familial relations na kadalasang hindi nakikita sa harap ng kamera. Sa huli, sisikapin sa episode na ito na tanungin kung sa isang sistemang pulitikal na mabilis makalimot at madaling magpatawad, mayroon nga ba talagang tunay na "political cost" ang isang impeachment trial para sa mga nakaupo sa pwesto.

Makakasama natin sa episode na ito si Assoc. Prof. Leloy Claudio ng Department of South and Southeast Asian Studies ng University of California Berkeley at makakapanayam naman siya nina Rian Piamonte (Research Assistant, Ateneo–IPC) at John Rovic Catangay (Research Assistant, Ateneo–IPC).

Bahagi ito ng isang three-part special series na naglalayong himayin ang prosesong ito higit pa sa aspetong legal. Titignan ng seryeng ito ang proseso bilang isang malaking panlipunang kaganapan na sumasalamin sa ating political climate, ang demand for accountability, at ang mga pag-iisip ng masa habang gumugulong ang trial. Layon ng seryeng ito na bigyan ang publiko ng kritikal na gabay upang mas maunawaan ang mga nangyayari sa loob at labas ng Senado, at kung paano ito makakaapekto sa buhay ng karaniwang Pilipino. Nais ding himayin ng seryeng ito ang mga gampanin ng mga institusyon at batas sa pagpapanagot sa mga opisyal ng gobyerno. Higit sa lahat, nais nating matulungan ang taumbayan na maging mapanuring manonood sa gitna ng matinding krisis pulitikal.

---

Ang programang π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang iba’t ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.







SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS AT SURIIN NATIN ANG MGA PULITIKAL NA RETORIKA SA IMPEACHMENT TRIAL.Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 ...
15/07/2026

SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS AT SURIIN NATIN ANG MGA PULITIKAL NA RETORIKA SA IMPEACHMENT TRIAL.

Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 n.h.

Sa pag-arangkada ng unang dalawang linggo ng Impeachment Trial, nakatutok ang buong bansa sa isang makasaysayang prosesong nangyayari nang live sa ere at maging sa mga online na platforms. Ngunit dahil ang impeachment ay isang sui generis o natatanging proseso na hindi lamang nakasandig sa batas kundi pati na rin sa pulitika, hindi maiiwasang maging isang malaking entablado rin ito para sa court of public opinion. Sa episode na ito, hihimayin natin ang mga namayaning retorika, kilos, at dynamics sa loob ng Senado sa nakalipas na linggo. Layon ng episode na ito na suriin kung paano ipinipresenta ng mga senator-judges, prosecution, at defense counsels ang kanilang mga sarili sa harap ng kamera, tukuyin ang mga mensaheng kanilang ipinaparating sa masa, at unawain kung paano hinuhubog ng mga salita at grandstanding na ito ang pananaw ng karaniwang Pilipino tungkol sa pananagutan, hustisya, at demokrasya.

Makakasama natin sa episode na ito si Asst. Prof. Charles Ladia ng UP Department of Speech Communication and Theater Arts, at makakapanayam naman siya nina Rian Piamonte (Research Assistant, Ateneo–IPC) at John Rovic Catangay (Research Assistant, Ateneo–IPC).

Bahagi ito ng isang three-part special series na naglalayong himayin ang prosesong ito higit pa sa aspetong legal. Titignan ng seryeng ito ang proseso bilang isang malaking panlipunang kaganapan na sumasalamin sa ating political climate, ang demand for accountability, at ang mga pag-iisip ng masa habang gumugulong ang trial. Layon ng seryeng ito na bigyan ang publiko ng kritikal na gabay upang mas maunawaan ang mga nangyayari sa loob at labas ng Senado, at kung paano ito makakaapekto sa buhay ng karaniwang Pilipino. Nais ding himayin ng seryeng ito ang mga gampanin ng mga institusyon at batas sa pagpapanagot sa mga opisyal ng gobyerno. Higit sa lahat, nais nating matulungan ang taumbayan na maging mapanuring manonood sa gitna ng matinding krisis pulitikal.

---

Ang programang π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang iba’t ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.







SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS AT UNAWAIN NATIN ANG KONSEPTO NG DEVIANCE AT KARAHASAN NG MGA KABATAAN.Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖...
08/07/2026

SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS AT UNAWAIN NATIN ANG KONSEPTO NG DEVIANCE AT KARAHASAN NG MGA KABATAAN.

Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 n.h.

Sa gitna ng mga nakababahalang balita tungkol sa karahasan at school-related violence sa iba't ibang panig ng bansa, madalas na tinuturo ang paglalaro ng mga violent video games, pagka-babad sa social media, o ang simpleng sapantaha na sadyang "pasaway" ang mga henerasyon ng kabataan ngayon bilang mga salik sa paglaganap nito. Ngunit sapat ba ang mga scapegoats na ito upang ipaliwanag ang tinatawag nating "deviant behaviors"? Sa episode na ito, hihimayin natin ang isyu ng karahasan ng kabataan mula sa lente ng sikolohiya at sosyolohiya upang mas maintindihan kung bakit nagkakaroon ng mga ganitong kalunos-lunos na insidente sa mga lugar na dapat sana ay ligtas. Layon ng episode na ito na ipaliwanag nang malalim ang konsepto ng deviance, suriin ang totoong bigat at epekto ng mga salik tulad ng matinding bullying at family and school environments, at talakayin ang mga epektibo at makataong interbensyon na maaaring gawin ng mga paaralan, magulang, at komunidad upang matugunan at mas maprotektahan ang mental at emosyonal na kalagayan ng bawat mag-aaral.

Makakasama natin sa episode na ito sina Gabby Trinidad (Executive Coach, Peak Performance Consulting Group) at si Assoc Prof NiΓ±o Leviste (Director, Ateneo–IPC). Makakapanayam sila nila Rian Piamonte (Research Assistant, Ateneo–IPC) at Lloyd Landicho (Research Assistant, Ateneo–IPC).

---

Ang programang π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang iba’t ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.






SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS AT PAG-USAPAN NATIN ANG KONSEPTO NG NUTRITION JUSTICE.Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 ...
01/07/2026

SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS AT PAG-USAPAN NATIN ANG KONSEPTO NG NUTRITION JUSTICE.

Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 n.h.

Madalas nating pinag-uusapan ang pagkain bilang isang isyu ng individual choice, lifestyle, o tamang household budgeting. Pero para sa milyon-milyong Pilipino, ang access sa healthy at masustansyang pagkain ay nakadepende sa mas malawak na social, economic, at political conditions. Mula patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, unequal access sa fresh produce, ang pagdami ng mga ultra-processed foods, climate-related disruptions sa agrikultura, hanggang sa talamak na kahirapan na nararanasan ng mga Pilipino, may direktang epekto ang lahat ng ito sa kung ano ang naihahain sa hapag-kainan at ang kakayahang matamasa ang isang healthy na diet.

Layunin ng episode na ito na talakayin konsepto ng nutrition justice: Sino ba talaga ang may access sa masustansyang pagkain, at sino ang pumapasan ng burden ng food insecurity at poor diets? Nais din nating mapag-usapan sa episode na ito kung ano ang responsibilidad ng gobyerno, mga institusyon, merkado, at komunidad para masig**o ang isang mas equitable na food system.

Makakasama natin sa episode na ito sina Isaiah Suguitan (Director for Knowledge and Impact Management, WFF Philippines) at si Jepie Papa (Operations Support Services Department Manager, Amnesty International Philippines). Makakapanayam sila ni Leslie Lopez (Assoc. Prof. and Chair, Ateneo Department of Development Studies at Research Fellow, Ateneo–IPC).

Isasagawa ang episode na ito sa pakikipagtulungan ng World Food Forum Philippines National Chapter.

---

Ang programang π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang iba’t ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.





SAMAHAN NIYO KAMI NGAYONG HUWEBES AT PAG-USAPAN NATIN KUNG PAANO GAWING MAS INKLUSIBO ANG ATING MGA UNIBERSIDAD!Dito lan...
24/06/2026

SAMAHAN NIYO KAMI NGAYONG HUWEBES AT PAG-USAPAN NATIN KUNG PAANO GAWING MAS INKLUSIBO ANG ATING MGA UNIBERSIDAD!

Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 n.h.

Ngayong buwan na ito, kinikilala natin ang makulay at makasaysayang selebrasyon ng Pride Month. Para sa mga unibersidad na kung saan malakas ang adbokasiya para sa mas inklusibong espasyo para sa q***r community, paano naman kaya natutugunan ang mga pangangailangan ng bawat estudyante, g**o, at kawani na may iba't ibang SOGIE? Layon ng episode na ito na pag-usapan kung paano tinutugon ng mga unibersidad ang mga pangangailangan ng q***r community. Hihimayin sa episode na ito ang mga partikular na inclusive policies na ipinapatupad sa loob ng campus. Tatalakayin din ang mga hamon sa pagkakaroon ng mas inklusibong kapaligiran at kung ano pa ang mga hakbang na kailangang gawin tungo sa tunay na ligtas na espasyo para sa lahat.

Makakasama natin sa episode na ito si Jerome Permejo (Director, GAD Office, PUP) at makakapanayam siya ni Jesse Claudio (Director, UGDO at Research Associate, IPC, sa Ateneo).

---
Ang programang π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang iba’t ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.






SAMAHAN NIYO KAMI NGAYONG HUWEBES AT PAG-USAPAN NATIN ANG MEDIA LITERACY SA PANAHON NG SHORT-FORM MEDIA!Dito lang β€˜yan s...
16/06/2026

SAMAHAN NIYO KAMI NGAYONG HUWEBES AT PAG-USAPAN NATIN ANG MEDIA LITERACY SA PANAHON NG SHORT-FORM MEDIA!

Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 n.h.

Sa panahon ng TikTok, Reels, at YouTube Shorts, nasanay na ang mga Gen Z at Gen Alpha sa mabilisan at bite-sized na impormasyon. Ang resulta? Isang "TL;DR" (Too Long; Didn't Read) mindset kung saan mas gusto na ng marami ang instant na sagot kaysa sa mahabang proseso ng pagbabasa at pagsusuri. Dahil sa bilis ng digital media at sa tila walang katapusang pag-scroll sa feeds, nagiging mas malaking hamon sa mga henerasyong ito ang pagtukoy kung alin ang balita, alin ang opinyon, at alin ang simpleng ingay lamang. Ngunit paano nga ba natin tuturuan ang isang henerasyong nakagawian na ang presensya ng online na midya na manatiling mapanuri? Sa episode na ito, himayin natin ang epekto ng patuloy na nagbabagong media landscape sa paraan ng pagkatuto at pag-proseso ng impormasyon ng Gen Z at Gen Alpha.

Makakasama natin sa episode na ito si Ricky Rosales (Assoc. Professor, PUP), at makakapanayam siya ni JP Dalupang (Research Associate, Ateneo–IPC).

---

Ang programang π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang iba’t ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.





SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS AT PAG-USAPAN NATIN ANG WIKA AT REPRESENTASYON NG MGA TSINOY SA MAINSTREAM MEDIA!Dito lang β€˜yan ...
10/06/2026

SAMAHAN NIYO KAMI BUKAS AT PAG-USAPAN NATIN ANG WIKA AT REPRESENTASYON NG MGA TSINOY SA MAINSTREAM MEDIA!

Dito lang β€˜yan sa π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š?, 2:00 n.h.

Sa loob ng mahabang panahon, ang representasyon ng mga Tsinoy sa mainstream media ay madalas nakakulong sa mga stereotypes: ang mahigpit na negosyante, ang pamilyang may fixed marriage, o kaya ay ang comic relief na may kakaibang punto. Ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nagbabago ang naratibo. Kasabay ng paghahanap ng mas malalim at authentic representation sa media ay ang pag-usbong ng isang kaisipan sa loob mismo ng komunidad na naglalayong yakapin at isulong ang kanilang natatanging wika, ang LÑnnang-uè.

Sa episode na ito, layunin nating himayin ang ebolusyon ng representasyon ng mga Tsinoy sa pelikula, telebisyon, at digital media. Paano nilalapit ng mga Tsinoy sa midya ang aktwal na karanasan ng komunidad? Higit pa rito, nais nating talakayin ang konseptong "Lannang" at kung paano ginagamit ang wika bilang pundasyon sa pagbuo ng isang matibay na collective identity para sa mga bagong henerasyon ng mga Tsinoy.

Makakasama natin sa episode na ito si JP Chua (filmmaker, author, at cultural worker), at makakapanayam siya ni Trixie Beato (Research Associate, Ateneo–IPC).

---

Ang programang π˜½π™–π™ π™– 𝙉𝙖𝙒𝙖𝙣 π™‹π™¬π™šπ™™π™š? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang iba’t ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.





Address

2/F Frank Lynch Hall, Social Development Complex, Ateneo De Manila University, Katipunan Avenue
Loyola Heights

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Institute of Philippine Culture posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Institute of Philippine Culture:

Shortcuts

Share