Alam Mo Bato? Gabay sa CKD at Dialysis

Alam Mo Bato? Gabay sa CKD at Dialysis Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alam Mo Bato? Gabay sa CKD at Dialysis, Health & Wellness Website, Antel Corporate Center, Valero Street , Salcedo Village, Makati.

Ang Alam Mo Bato ay nagbabahagi ng tamang impormasyon tungkol sa CKD, dialysis options, at tunay na dialysis journey sa Pilipinas upang matulungan ang mga pasyente at pamilya na makagawa ng informed na desisyon.

Alam mo ba na hindi sa lahat ng pagkakataon ay pang-habambuhay ang dialysis? ๐Ÿ’™Kapag ang sanhi ay Acute Kidney Injury o b...
30/07/2026

Alam mo ba na hindi sa lahat ng pagkakataon ay pang-habambuhay ang dialysis? ๐Ÿ’™

Kapag ang sanhi ay Acute Kidney Injury o biglaang paghina o pagkasira ng paggana ng mga bato na nagdudulot ng waste build-up sa iyong dugo, maaaring ilang buwan lamang kailanganin ang dialysis hanggang sa tuluyang gumaling ang iyong mga bato. At kung matagumpay na naman ang isang Kidney Transplant, maaari na ring matigil ang regular na dialysis treatment! โœจ

Laging magkaroon ng pag-asa at patuloy na makipag-tulungan sa iyong healthcare team para sa pinaka-angkop na gamutan.

I-share ang post na ito para ma-inspire at mabigyan ng tamang kaalaman ang kapwa natin kidney warriors! ๐Ÿค



PH-00-260021

๐Ÿ”ด May pamumula, pamamaga, o nana ba sa paligid ng iyong catheter? Maaaring ito ay senyales ng Exit-Site Infectionโ€”isang ...
15/07/2026

๐Ÿ”ด May pamumula, pamamaga, o nana ba sa paligid ng iyong catheter? Maaaring ito ay senyales ng Exit-Site Infectionโ€”isang impeksyon sa balat kung saan lumalabas ang iyong Peritoneal Dialysis (PD) catheter na hindi dapat balewalain.

๐Ÿงผ Paano ito maiiwasan at aalagaan?

โœ” Panatilihing malinis at tuyo ang exit site.

โœ” Laging sundin ang tamang cleaning routine na itinuro ng iyong healthcare team.

โœ” I-report agad sa iyong Peritoneal Dialysis nurse o doctor kung may napansing anumang pagbabago o sintomas.

๐Ÿ’™ Tandaan: Ang malinis na exit site ay susi sa ligtas at tuloy-tuloy na Peritoneal Dialysis treatment. Kapag may duda, kumonsulta agad!




PH-00-260021

๐Ÿ”ด Malabo ba ang dialysis fluid? May pananakit ng tiyan o lagnat?Maaaring ito ay mga senyales ng Peritonitis, isang impek...
13/07/2026

๐Ÿ”ด Malabo ba ang dialysis fluid? May pananakit ng tiyan o lagnat?

Maaaring ito ay mga senyales ng Peritonitis, isang impeksyon sa lining ng tiyan na maaaring maranasan ng mga pasyenteng nasa Peritoneal Dialysis.

โš ๏ธ Huwag hintaying lumala ang sintomas. ๐Ÿ“ž Kumonsulta agad sa iyong healthcare provider o PD Nurse.

๐Ÿ’™ Tandaan: Ang maagang aksyon ay malaking hakbang para mapanatili ang iyong kalusugan at maiwasan ang mga komplikasyon.



PH-00-260021

โ˜” Kapag umuulan, doblehin ang pag-iingat! Para sa ating mga kidney warriors, manatiling ligtas ngayong tag-ulan. ๐Ÿšจ Mga N...
10/07/2026

โ˜” Kapag umuulan, doblehin ang pag-iingat! Para sa ating mga kidney warriors, manatiling ligtas ngayong tag-ulan.

๐Ÿšจ Mga Numero na Dapat Tandaan:

911 | National Emergency Hotline
177 | Philippine National Police
143 | Philippine Red Cross
136 | MMDA
0917 724 3682 / 0918 967 4697 | Philippine Coast Guard

๐Ÿ’š Alamin. Alagaan. Ang pagiging handa ay proteksyon sa iyong kalusugan. Manatiling ligtas at tuyo, mga kabato!

09/07/2026

Anong cravings mo today? ๐Ÿค”๐Ÿœ๐ŸŸ

Kung nag-dialysis ka ๐Ÿ’™, normal lang na magkaroon ng cravings at moments na gusto mo lang kumain nang mas simple at worry-free.
Alam namin na hindi laging madali ang pag-navigate ng food choices lalo na kapag may kailangang i-consider na health guidelines. ๐Ÿฅ—โš–๏ธ

Pero โ€˜wag mag-alala, nandito kami para makatulong magbigay linaw at support kung bakit ganito ang dietary adjustments, at paano ito mas nagiging manageable sa tulong ng tamang gabay ๐Ÿฉบโ–ถ๏ธ



PH-00-260020

Ang iyong kwento ay maaaring maging pag-asa ng iba. โค๏ธSa bawat pagsubok na pinagdadaanan natin sa ating dialysis journey...
07/07/2026

Ang iyong kwento ay maaaring maging pag-asa ng iba. โค๏ธ

Sa bawat pagsubok na pinagdadaanan natin sa ating dialysis journey, may mga aral tayong natututunan na nagpapatatag sa atin. Ngunit alam mo ba na ang iyong kwento ng laban, tiyaga, at pag-asa ay pwedeng maging lakas din ng iba na nagsisimula pa lang sa kanilang biyahe?

Bilang isang dialysis warrior, ano ang pinakamahalagang aral na natutunan mo na gusto mong ibahagi sa ating komunidad? I-comment mo na yan sa ibaba para magbigay-lakas sa kapwa natin warriors! ๐Ÿ‘‡โœจ



PH-00-260021

Ang pabago-bagong panahon ay hindi lang basta nakaka-bad trip. Pwedeng-pwede din nitong maapektuhan ang iyong treatment ...
29/06/2026

Ang pabago-bagong panahon ay hindi lang basta nakaka-bad trip. Pwedeng-pwede din nitong maapektuhan ang iyong treatment safety!

Narito ang 3 bagay na dapat mong bantayan ngayon:
๐ŸŒก๏ธ Matinding Init = Lapitin ng Bacteria - Kapag mainit at malagkit ang panahon, mas mabilis mag-multiply ang germs. Kung mag-shortcut ka sa paghuhugas ng kamay o sterile technique, mas mataas ang risk sa infection. ๐Ÿฆ 

๐Ÿงณ Dialysis Supplies na Parang Oven sa Init - Ang iyong dialysis solutions ay sensitive sa temperature. Kung nakatabi ang mga ito sa kwartong kulob at mainit, pwedeng masira ang kalidad ng mga gamit mo. Keep them in a cool, dry place.

โš–๏ธ Uminom Nang Tama: Iwas-Sakit sa Ulo at Pamamanas - Kapag tag-init, nakakatuksong uminom nang uminom dahil sa uhaw. Pag tag-ulan naman, masarap humigop ng mainit na sabaw. Bantayan mong maigi ang iyong timbang at pamamanas para hindi ka sumobra sa fluid volume mo.

Hindi natin kontrolado ang panahon, pero kontrolado natin ang ating routine.

Panatilihing malinis at presko ang iyong exchange area, at huwag mahiyang magtanong sa iyong doktor kung paano mas komportableng makakapag-adjust sa weather changes!

Ang safe na dialysis ay hindi nakadepende sa weather forecast. Nasa disiplina mo 'yan! ๐Ÿ’ช๐Ÿ’š



PH-00-260020

25/06/2026

Iniisip mo bang mag-Peritoneal Dialysis (PD) bilang treatment option? ๐Ÿ’š

Sa PD, mahalagang maintindihan kung paano ito magiging bahagi sa pang-araw-araw na buhay dahil ginagawa ito sa bahay ๐Ÿ  opisina o sa ibang lugar.

Kasama rito ang regular exchanges, maayos at malinis na setup, at pagiging consistent sa supplies at hygiene, mga simpleng bagay na may malaking epekto sa long-term care.

Para sa tamang gabay at assessment, kumonsulta sa iyong nephrology team ๐Ÿฉบ.



PH-00-260020

Bakit hindi agad naa-approve ang transplant kahit may donor? ๐Ÿฉบ๐Ÿ’šBago ma-consider para sa kidney transplant, dumadaan ang ...
24/06/2026

Bakit hindi agad naa-approve ang transplant kahit may donor? ๐Ÿฉบ๐Ÿ’š

Bago ma-consider para sa kidney transplant, dumadaan ang pasyente sa masusing medical evaluation upang matukoy kung ligtas at handa ang katawan para sa operasyon at pangmatagalang gamutan.

Kasama sa assessment ang blood tests ๐Ÿงช, heart at organ screening โค๏ธ, at infection checks ๐Ÿฆ , lahat ito ay para masiguro ang safety sa surgery at recovery.

Hindi lang donor compatibility ang basehan, kundi ang kabuuang kalusugan, mental readiness ๐Ÿง , at kakayahang sumunod sa lifelong post-transplant care. ๐Ÿ“‹

Para sa tamang evaluation at medical advice, magpakonsulta sa iyong nephrologist. ๐Ÿฉบ



PH-00-260020

"Pwede pa rin ba akong magtrabaho habang nasa dialysis?" ๐Ÿค”Oo, posible! ๐Ÿ’š Maraming pasyenteng nasa dialysis ang patuloy n...
20/06/2026

"Pwede pa rin ba akong magtrabaho habang nasa dialysis?" ๐Ÿค”

Oo, posible! ๐Ÿ’š Maraming pasyenteng nasa dialysis ang patuloy na nagtatrabaho sa pamamagitan ng tamang pagpaplano ng schedule, sapat na pahinga, at pagsunod sa payo ng kanilang doktor. ๐Ÿฉบ

Mahalaga ang balanse sa pagitan ng trabaho at treatment. Makinig sa iyong katawan at gawin ang mga kinakailangang adjustments upang masuportahan ang iyong kalusugan.



PH-00-260020

Address

Antel Corporate Center, Valero Street , Salcedo Village
Makati
1226

Opening Hours

Monday 9am - 6am
Tuesday 9am - 6am
Wednesday 9am - 6am
Thursday 9am - 6am
Friday 9am - 6am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alam Mo Bato? Gabay sa CKD at Dialysis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share