01/07/2026
๐ข Patient Advisory:
Open po ang aming clinic bukas. Dahil malapit kami sa Malacaรฑang, maaaring magkaroon ng road closures at matinding traffic. Kung maaantala o hindi makakapunta sa inyong appointment dahil sa sitwasyon sa daan, pakimessage po kami agad. Maraming salamat at ingat po! ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Itinaas na sa Red Alert Status ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) bilang bahagi ng pinaigting na paghahanda ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang agarang pagtugon sa anumang posibleng insidente o emergency na maaaring mangyari kasabay ng patuloy na kilos protestang isinasagawa ng ilang miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Liwasang Bonifacio. Sa ilalim ng Red Alert Status, nakaantabay ang mga rescue personnel, medical response teams, kagamitan, at iba pang emergency resources upang makapagbigay ng agarang responde kung kinakailangan.