05/08/2026
❗❗PAALALA PARA SA MGA MAHILIG MAGBUKAS NG PLASTIC PACKAGING GAMIT ANG BIBIG
"A lesson to be learned. " Para sa kaligtasan ng lahat, please, kapag magbubukas kayo ng packaging ng biscuit, chicha, o kahit anong plastic packaging, HUWAG GAMITIN ANG BIBIG kung ayaw ninyong mangyari sa inyo ang nangyari kay Nanay.
Ito na nga ang buong kwento:
Noong FEB. 12, nagbukas si Nanay ng isang SkyFlakes gamit ang bibig niya nang biglang parang nahigop niya ang plastic. Naubo siya at pinilit niyang ilabas dahil nahirapan siyang huminga. Matagal din siyang umubo pero hindi niya nailuwa ang plastic. Pinilit niya itong isuka pero wala talaga.
Kaya nagdesisyon kaming dalhin siya sa E. R. Nagpunta kami sa Fatima Med pero sinabi nilang wala raw EENT dahil gabi na at may oras ang kanilang serbisyo. Dumiretso kami sa Chinese Gen. , pero ganoon din ang sinabi sa amin. Kaya pumunta kami sa UST Hospital, na siyang ni-recommend ng unang dalawang ospital.
Hindi ko alam ang exact na ginawa kay Nanay, pero sinilip ang kanyang lalamunan at wala silang nakita. Ang nakita lamang ay may sugat at punit sa kanyang lalamunan. Sinabihan kami ng doktor na obserbahan si Nanay at dalhin agad pabalik kapag nahirapan siyang huminga.
Halos isang linggo, bigla na lang parang hinihingal si Nanay. Sobrang hirap niyang huminga at grabe ang kanyang paghingal. Nagpunta kami para sa follow-up check-up dahil iyon ang bilin sa amin kapag nahirapan siyang huminga.
Doon siya ni-refer sa Pulmonologist. Ayon sa mga doktor, dalawang daanan ang maaaring puntahan ng plastic-sa daluyan ng pagkain o sa daluyan ng hangin.
Kung sa daluyan ng pagkain daw napunta, maaari itong lumabas sa pagdumi. Pero hindi namin akalain na ang plastic ng SkyFlakes ay mapupunta pala sa daluyan ng hangin.
YES, opo. Sa RIGHT LUNG ni Nanay nakuha ang plastic! 😭
Kaya pala grabe ang kanyang paghingal. Na-trigger din ang pagtaas ng kanyang BP at blood sugar, hindi naging normal ang kanyang heart readings, bumaba ang potassium at pati ang kanyang timbang.
Kaya po, doble ingat tayo. Mas mabuting gumamit na lang ng gunting o buksan ang packaging gamit ang dalawang kamay. Huwag nating isipin na maliit na bagay lang ito dahil hindi pala biro ang maaaring mangyari.
Anyway, maraming-maraming salamat po sa lahat ng nag-comment at nag-message. Nabasa ko po lahat kahit hindi ko kayo maisa-isa. Mahaba po kasi talaga ang buong kwento.
Maraming salamat po sa inyong lahat at patuloy po sana nating ipagdasal ang mabilis na paggaling ni Nanay. 🙏❤️ God bless everyone.
PS: Bronchoscopy po ang ginawa kay Nanay. Pinatulog siya at may ipinapasok na instrument sa tubo ng kanyang baga. Doon nakita na ang plastic ay nakaharang sa kanyang right lung.
PPS: Maraming salamat kina Dr. Perez de Tagle (Otolaryngologist) at Dr. Dalupang (Pulmonologist), pati na rin sa dalawang doctors mula sa Internal Medicine at Cardiology, at sa iba pang assistant doctors at nurses na tumingin at tumulong kay Nanay.
🙏 Kindly SHARE para maging aware ang lahat-bata man o matanda.
Minsan, isang simpleng pagbubukas lang ng plastic ang akala natin ay walang peligro. Pero mas mabuting mag-ingat kaysa magsisi sa huli.