27/10/2026
🎀Oktubre na! Kamusta ang iyong dibdib? 👀💗
Ngayong Breast Cancer Awareness Month, panahon na upang mas kilalanin ang ating katawan, maging mapagmatyag sa mga pagbabago, at bigyang-halaga ang kalusugan ng ating mga suso.
💌 Alamin, suriin, at huwag ipagsawalang-bahala!
Kasama ang UP MSS, mag-swipe upang matutuhan ang mga salik na nagpapataas ng panganib, mga senyales na dapat bantayan, at ang kahalagahan ng maagang pagdiagnose ng breast cancer. 🔬
🩺 Tandaan, hindi lahat ng bukol ay kanser, ngunit hindi rin lahat ng kanser ay may kasamang pananakit. Kung may mapansing kakaibang pagbabago sa suso, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor. Ibahagi ang kaalaman, isulong ang kamalayan, at makiisa sa laban kontra breast cancer! 📣