25/09/2026
Hindi lahat ng umaalis sa buhay mo ay kawalan. Minsan, protection ’yan. Minsan, redirection. At madalas, yan ay paraan ni Lord para ihanda ka sa susunod na season.
May mga taong mahalaga sa isang chapter, pero hindi na pwedeng isama sa next. Hindi dahil masama sila, kundi dahil hindi na sila aligned sa direction na dinadala sa’yo ni God. Kung ipipilit mo silang isama, ikaw ang mahihirapan. Kaya minsan, kahit masakit, si Lord na mismo ang gumagalaw para magtanggal.
Sabi sa John 15:2 (NIV):
“He cuts off every branch in me that bears no fruit… so that it will be even more fruitful.”
May tinatanggal si Lord para mas dumami ang bunga sa buhay mo.
Minsan mapapansin mo, unti-unti silang nawawala. Hindi na kayo nag-uusap gaya ng dati. Hindi na pareho ang values. Hindi na pareho ang goals. At magugulat ka, hindi ka na rin bumabalik sa dating version ng sarili mo. That’s not an accident. That’s God at work.
Sabi sa Proverbs 13:20 (NIV):
“Walk with the wise and become wise, for a companion of fools suffers harm.”
Ibig sabihin, may epekto talaga ang mga taong kasama mo sa direksyon ng buhay mo. Kaya kung may tinatanggal si Lord, may ipinapalit Siyang mas tama, mga taong tutulong sa’yo lumago, hindi humila pababa.
Kung may tinatanggal si Lord, may mas maayos Siyang inihahanda. At kung may sinasara Siyang pinto, may binubuksan Siyang mas tama para sa’yo.
Sabi sa Romans 8:28 (NIV):
“And we know that in all things God works for the good of those who love Him…”