26/08/2026
πππ ππ ππ: ππ§π¨ ππ§π ππ’π§ππ π€ππ’ππ?
Alam mo ba na magkaiba ang gamit ng MMR at MR vaccines?
Ang MMR (Measles-Mumps-Rubella) ay bahagi ng routine immunization schedule at nagbibigay ng regular na proteksyon laban sa tigdas, beke, at rubella. Samantala, ang MR (Measles-Rubella) ay ginagamit sa Special Immunization Activities (SIA), lalo na kapag may outbreak o banta ng outbreak, upang mabilis na mapalawak ang proteksyon ng komunidad.
Kaya kahit nabakunahan na ng MMR ang iyong anak, maaaring kailanganin pa rin ang MR vaccination kapag may isinasagawang SIA.
Magkaiba ang gamit nilaβpareho silang mahalaga sa pagbibigay ng proteksyon laban sa measles at rubella.
Para sa tamang impormasyon tungkol sa bakuna, kumonsulta sa inyong BHW, midwife, nurse, o iba pang health worker.
Piliin ang tamang impormasyon. Piliin ang proteksyon. Sama-sama nating panatilihing Ligtas ang Tigdas!