Milagros Municipal Health Office

Milagros Municipal Health Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Milagros Municipal Health Office, Medical and health, Milagros.

Happy Birthday, Dra. Irene Grace G. Calucin! 🎂🎉💐Warmest birthday greetings to our dedicated and compassionate Municipal ...
17/08/2026

Happy Birthday, Dra. Irene Grace G. Calucin! 🎂🎉💐

Warmest birthday greetings to our dedicated and compassionate Municipal Health Officer, Dra. Irene Grace G. Calucin! 💚

May this special day bring you happiness, good health, and countless blessings. Thank you for your unwavering leadership, dedication, and commitment to serving the people of our municipality. Your passion for public health and your genuine care for both your team and the community continue to inspire us. 🩺💚

May you be blessed with more fruitful years, meaningful achievements, and beautiful moments with your loved ones. May you continue to be a source of strength and inspiration to everyone you serve.

From your Municipal Health Office Family, with love and gratitude. 💚🩺

Today marks the Launching of the Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026 in the Municipality of...
10/08/2026

Today marks the Launching of the Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026 in the Municipality of Milagros, Masbate!

We are proud to share that 23 out of 27 barangays across the Municipality of Milagros, Masbate are simultaneously conducting the MR-SIA vaccination today! 🏘️💉

The MR-SIA is a special vaccination campaign that aims to provide an additional dose of Measles-Rubella (MR) vaccine to eligible children, helping strengthen their protection against measles and rubella—highly contagious diseases that can cause serious complications, especially among young children.

This is your chance to get protected! The MR vaccine is FREE and is being provided through the dedicated efforts of our health workers.

Available po an aton vaccines sa mga Barangay Health Station kag didi saaton Municipal Health Office didi sa Milagros Proper.

BAKUNADO, PROTEKTADO! 💉🛡️
Ligtas Tigdas, Ligtas Rubella, Ligtas ang Kinabukasan!





BUWAS NA PO INI GAGANAPON! DARAHON PO AN IYO KAANAKAN NA NAGA EDAD SAN 6months hasta 5 years old sa mga fixed post sa ku...
09/08/2026

BUWAS NA PO INI GAGANAPON! DARAHON PO AN IYO KAANAKAN NA NAGA EDAD SAN 6months hasta 5 years old sa mga fixed post sa kung diin amo an iyo Barangay Health Station. Dili po mahadlok na pa bakunahan an iyo mga kabataan, kay ini po na Measles Rubella safe po ini kag trusted po. Dili po magduwa duwa na hatagan san proteksyon an iyo mga anak kontra sa Tigdas kag Tigdas Hangin.

Sa gihapon, gina imbetaran kamo.

MR-SIA 2026 | LIGTAS TIGDAS! 💉🛡️

Inaanyayahan ng Municipal Health Office ng Milagros, sa ilalim ng Local Government Unit (LGU) of Milagros, ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026.

👶 Sino ang dapat mabakunahan?
✅ Lahat ng batang 6 hanggang 59 buwang gulang.

📅 Tingnan ang iskedyul ng pagbabakuna ng inyong barangay at tiyaking madadala ang inyong anak sa nakatakdang araw.

Bakit mahalaga ang MR-SIA?
✅Pinoprotektahan ang mga bata laban sa Tigdas (Measles) at Rubella, dalawang sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, kapansanan, at maging kamatayan.
✅Nakakatulong itong maiwasan ang pagkalat ng sakit sa pamilya at komunidad.
✅Pinapalakas nito ang proteksyon ng mga batang maaaring hindi pa ganap ang immunity kahit nabakunahan na dati.
✅Isang hakbang ito upang mapanatiling ligtas, malusog, at walang tigdas at rubella ang ating komunidad.

💉 Ang bakuna ay LIBRE, ligtas, at epektibo.
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak. Huwag palampasin ang nakatakdang araw ng pagbabakuna sa inyong barangay. Dahil ang bawat batang nababakunahan ay isang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na Milagros.

BAKUNADO, PROTEKTADO!

📍 Pakitingnan ang kalakip na Barangay Vaccination Schedule para sa kumpletong iskedyul.







08/08/2026

💉 HANDA NA BA ANG MGA BATANG MILAGREÑO PARA SA MR-SIA 2026?

Abala na ang Municipal Health Office ng Milagros sa paghahanda para sa nalalapit na MR-SIA Vaccination sa iba’t ibang barangay ng Milagros, Masbate! 👶💉

Ang MR-SIA (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity) ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa Tigdas (Measles) at Tigdas Hangin (Rubella)

👶 SINO ANG DAPAT MAGPABAKUNA?
👉 Mga batang 6 MONTHS hanggang 59 MONTHS OLD
👉 LIBRE ang bakuna! 💉❤️

🛡️ BAKIT MAHALAGA ANG BAKUNA?

Ang pagbabakuna ay isa sa pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon.

Sa pamamagitan ng MR vaccine, nakatutulong tayo na:
✅ Maiwasan ang Tigdas at Tigdas Hangin
✅ Mabawasan ang panganib ng malubhang komplikasyon mula sa mga sakit na ito
✅ Maprotektahan ang mga bata laban sa pagkalat ng impeksiyon
✅ Makatulong na mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng buong komunidad
✅ Maprotektahan pati ang mga sanggol at ibang taong mas vulnerable sa sakit
✅ Makatulong sa pagkontrol at pag-iwas sa outbreak ng Tigdas at Rubella

📢 PAALALA SA MGA MAGULANG!

Sa panahon ngayon, napakaraming impormasyon ang kumakalat online. Huwag basta maniwala sa mga vlogger, influencer, o social media posts na nagbibigay ng medical advice o nagsasabing hindi ligtas ang bakuna nang walang sapat at mapagkakatiwalaang ebidensya.

👉 Para sa tamang impormasyon tungkol sa bakuna, kumonsulta sa inyong doktor, nurse, midwife, o iba pang kwalipikadong health professional. Sila ang may tamang kaalaman upang ipaliwanag ang benepisyo, kaligtasan, at mga dapat malaman tungkol sa pagbabakuna.

❤️ Huwag hayaang maling impormasyon ang maging hadlang sa proteksyon ng inyong anak.

LIBRENG BAKUNA. LIGTAS NA KOMUNIDAD. PROTEKTADONG BATA.💉🛡️👶

Abangan ang MR-SIA Vaccination sa inyong barangay at makiisa sa layuning mapanatiling LIGTAS SA TIGDAS AT TIGDAS HANGIN ang ating mga anak!

BAKUNADO, PROTEKTADO!💉





Patuloy ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa, kaya nananatiling mataas ang panganib ng dengue. Ugaliing gawin ang...
08/08/2026

Patuloy ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa, kaya nananatiling mataas ang panganib ng dengue. Ugaliing gawin ang Taob, Taktak, Tuyo, at Takip upang maiwasan ang pagdami ng lamok at alisin ang mga naipong tubig sa paligid ng bahay.

Kung ikaw o miyembro ng inyong pamilya ay may lagnat, lalo na kung may kasamang matinding sakit ng ulo, pananakit ng katawan, pagsusuka, o pagkakaroon ng pantal, magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility. Ang maagang pagpapatingin at tamang gamutan ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon ng dengue.

Habang patuloy ang pag-ulan, sama-sama nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran at maging alerto sa mga sintomas ng dengue.

✅ Ang HPV o Human papillomavirus ay isang uri ng virus na maaaring magdulot ng kanser sa kuwelyo ng matris o cervical ca...
08/08/2026

✅ Ang HPV o Human papillomavirus ay isang uri ng virus na maaaring magdulot ng kanser sa kuwelyo ng matris o cervical cancer.

✅ Ang mga sakit na dulot ng HPV ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna ng HPV vaccine.

✅ Ang HPV vaccine ay ibinibigay sa mga batang babae edad 9-14 taong gulang at makukuha ito sa mga health center sa bansa.



08/08/2026

Alam mo ba na may mga batas sa Pilipinas na naglalayong protektahan, suportahan, at itaguyod ang eksklusibong pagpapasuso (exclusive breastfeeding) o ang pagbibigay lamang ng gatas ng ina sa sanggol at walang ibang pagkain o inumin sa unang 6 na buwan, maliban sa mga kinakailangang gamot o bitamina ayon sa payo ng health worker?

Ito ang Philippine Milk Code (EO No. 51, s. 1986).

Ipinagbabawal ang hindi naaangkop na promotion ng breast milk substitutes, feeding bottles, at teats, kabilang ang promotion ng health workers, sa health facilities at tindahan, at sa iba’t ibang anyo ng media at internet.

Ang Expanded Breastfeeding Promotion Act (RA 10028) naman ay itinataguyod ang breastfeeding sa pampubliko at pribadong lugar at pinapalakas ang rooming-in at breastfeeding initiation sa unang oras ng buhay ng sanggol, kung walang komplikasyon.

Sama-sama nating protektahan at suportahan ang eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na buwan para sa mas malusog na unang 1,000 araw ni Mommy at Baby.

Ang pinakamagandang simula sa buhay ay nagsisimula sa yakap at hakab ni Nanay. 🤱💖Eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na ...
07/08/2026

Ang pinakamagandang simula sa buhay ay nagsisimula sa yakap at hakab ni Nanay. 🤱💖

Eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na buwan, at tuloy-tuloy na breastfeeding kasabay ng masustansyang complementary feeding pagdating ng ika-6 na buwan—isang simpleng hakbang tungo sa malusog at matatag na kinabukasan ng bawat bata.




Ang breastfeeding ay hindi lang responsibilidad ni Mommy, ito ay sama-samang pag-aaruga ng buong pamilya at komunidad! 💛...
07/08/2026

Ang breastfeeding ay hindi lang responsibilidad ni Mommy, ito ay sama-samang pag-aaruga ng buong pamilya at komunidad! 💛

Narito ang ilang paraan para makasuporta:
🏡 Tulungan si Mommy sa mga gawaing bahay upang makapagpahinga siya at makapag-focus sa pagpapasuso.
🤝 Lumapit sa inyong BHW at BNS, at makilahok sa mga breastfeeding at mother support groups sa inyong barangay.
🏥 Samahan si Mommy at Baby sa regular na pagpapacheck-up sa Health Center upang matiyak na sila ay nananatiling malusog.

Sama-sama tayo sa pagbuo ng isang breastfeeding-friendly community! Kaisa ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng . Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works!


Address

Milagros

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Milagros Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share