RHU Nabua: Rural Health Unit - Nabua, Camarines Sur

RHU Nabua: Rural Health Unit - Nabua, Camarines Sur "Promotes and protects the health of people and the communities hundreds at a time" "Promotes and protects the health of people and the community"

Rural Health Unit 1 Medical Consultation Schedule ✨
06/10/2026

Rural Health Unit 1 Medical Consultation Schedule ✨

SEARCH AND DESTROY ACTIVITY | DENGUE SURVEILLANCEIsinagawa kahapon, Setyembre 8, 2026, ang Search and Destroy Activity a...
09/09/2026

SEARCH AND DESTROY ACTIVITY | DENGUE SURVEILLANCE

Isinagawa kahapon, Setyembre 8, 2026, ang Search and Destroy Activity at Dengue Surveillance sa Brgy. Bustrac sa pangunguna ng ating Sanidad, Ma’am Carolyn Alterado, kasama ang barangay-assigned nurse na si Ma’am Nancy Yett Peñales, at katuwang ang mga BHWs, BNS, at opisyales ng barangay sa pamumuno ni Hon. Annabelle Rull, Punong Barangay.

Patuloy nating hinihikayat ang bawat mamamayan ng Nabua na magtulungan at makiisa sa paglaban sa dengue. Suriin at linisin ang ating mga tahanan at paligid upang maalis ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok na nagdudulot ng dengue.

Bawat bahay ay may pananagutan.

Suyurin ang bawat sulok at alisin ang anumang bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig at pamugaran ng lamok.

Tandaan ang 4Ts Kontra Lamok:
Taob – Itagilid o itumba ang mga lalagyan na maaaring maipunan ng tubig.
Taktak – Alisin ang tubig na naipon sa mga lalagyan.
Tuyo – Panatilihing tuyo at malinis ang paligid.
Takip – Takpan nang maayos ang mga lalagyan ng tubig.

Sama-sama nating sugpuin ang dengue. Malinis na kapaligiran, ligtas na komunidad! 🚫🦟💚

HEALTHY TUESDAYS 🩺💊🏥Patuloy ang Healthy Tuesday Activity sa layuning ilapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa...
09/09/2026

HEALTHY TUESDAYS 🩺💊🏥

Patuloy ang Healthy Tuesday Activity sa layuning ilapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng Nabua.

Bahagi ng programang ito na magsagawa ng medical consultation sa mga poblacion. Kasama rin sa aktibidad na ito ang pagbisita sa mga bedridden o mga pasyente na may limitadong kakayahang kumilos. Naghatid din ng serbisyong medikal, mga kinakailangang gamot, at higit sa lahat, malasakit at pag-aaruga sa bawat pasyente.

Sa pamamagitan ng mga community visit at home-based consultation, sinisikap nating matiyak na ang mga pasyenteng nahihirapang makapunta sa Rural Health Unit ay makatatanggap pa rin ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan at mga gamot. Higit pa sa pagbibigay ng libreng gamot, ang Healthy Tuesdays ay paalala na ang de-kalidad na serbisyon
ay dapat abot-kamay ng lahat, anuman ang edad, kakayahang kumilos, o kalagayan sa buhay.

Ang aktibidad na ito ay naging posible sa patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Nabua, sa pangunguna ng ating Mayor, Atty. Fernando D. Simbulan, at ng Rural Health Unit of Nabua, sa pangunguna ng Municipal Health Officer na si Dr. Teodora H. Pornillos, sa pamamagitan ng Doctor-to-the-Barrio na si Dr. Ivy Angeline V. Ombao, kasama ang ating masisipag na barangay-assigned nurses na sina Ma'am Hazel Tagomata, Ma'am Raquel Placides, at Ma'am Suzanne Person, pati na ang mga BHWs, BNS, at opisyales ng bawat barangay.

Sama-sama nating ipinagpapatuloy ang paglalapit ng serbisyong pangkalusugan sa bawat Nabueño.

Isang pasyente, isang pamilya, at isang komunidad sa bawat pagkakataon 🧑‍🧑‍🧒‍🧒

08/09/2026
05/09/2026

TAOB, TAKTAK, TUYO, at TAKIP! 🦟

Address

Nabua

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Nabua: Rural Health Unit - Nabua, Camarines Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share