13/08/2026
Namatay ang isang apat na taong gulang na lalaki sa General Santos City mahigit isang buwan matapos umano itong makagat ng isang asong-gala na pinaniniwalaang may rabies. Ipinagtataka ng magulang ng bata kung bakit pumanaw ang kanilang anak gayung nabigyan naman ito ng bakuna laban sa rabies.