08/11/2025
𝗦𝗜𝗚𝗡𝗔𝗟 𝗡𝟬. 𝟰 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗟𝗟𝗢 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗪𝗔𝗡
Patuloy ang mabilis na paglakas ng Bagyong Uwan habang papalapit sa Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 175 km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 215 km/h habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 35 km/h.
Nakataas na ang SIGNAL NO. 4 sa Polillo Islands habang SIGNAL NO. 3 sa Cavite, Laguna, Rizal, at ilang bahagi ng Batangas, at SIGNAL NO. 2 sa natitirang bahagi ng rehiyon.
MAGING LAGING ALERTO AT LIGTAS, CALABARZON!