01/08/2026
📢 MAHALAGANG ANUNSIYO
Ikinalulungkot po naming ipaalam na ayon sa Department of Health (DOH), maaantala pa ang delivery ng suplay ng Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV).
❎ Dahil dito, pansamantala munang hindi maibibigay ang PCV 2nd dose at 3rd dose.
✅ Prayoridad munang mabigyan ng PCV ang mga batang tatanggap ng kanilang 1st dose.
Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang dulot nito at taos-puso naming hinihiling ang inyong pang-unawa. Magbibigay po kami ng panibagong abiso sa oras na dumating na ang bagong suplay ng bakuna.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa 💚