Maron Dane De Leon

Call Contact the practice

Maron Dane De Leon SIPAG KABATAAN NG PINEDA
(SIKAP)
YOUTH ORGANIZATION

17/07/2025
Bilang isang ALS Coordinator at masugid na tagasuporta ng Pineda Learning Center, lubos akong nagpapasalamat sa pagkakat...
17/07/2025

Bilang isang ALS Coordinator at masugid na tagasuporta ng Pineda Learning Center, lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong maging bahagi ng pagbabago sa buhay ng ating mga mag-aaral. Isang karangalang makapaglingkod at maging instrumento sa pagbibigay pag-asa sa mga nangangarap ng pangalawang pagkakataon sa edukasyon.

Salamat sa tiwala, suporta, at pakikiisa ng bawat magulang, g**o, at miyembro ng komunidad. Ang tagumpay ng bawat isa sa inyo ay tagumpay rin ng ating samahan.

Patuloy tayong magtulungan, magtagumpay, at magsilbing liwanag sa landas ng edukasyon.

Mula sa puso, maraming salamat po.

Minamahal naming mga ALS Graduates Isang mainit at taos-pusong pagbati sa inyong lahat!Ngayong araw na ito, pinagdiriwan...
17/07/2025

Minamahal naming mga ALS Graduates

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa inyong lahat!

Ngayong araw na ito, pinagdiriwang natin hindi lamang ang inyong pagtatapos, kundi ang inyong katapangan, sipag, at matibay na loob. Sa kabila ng mga hamon sa buhay, pinili ninyong bumangon at ipagpatuloy ang inyong edukasyon. Ipinakita ninyo na ang pag-aaral ay hindi nasusukat sa edad, estado sa buhay o nakaraang pagkukulang bagkus, ito ay bunga ng kagustuhang matuto at umasenso.

Sa inyong pagsusumikap at sakripisyo, hindi lamang ninyo binago ang inyong sariling landas, kundi nagsindi rin kayo ng pag-asa sa puso ng iba, mga kapwa kabarangay, kabataan, at pamilya na humahanga at natututo sa inyong halimbawa.

Ang Pasig ay buong puso ninyong ipinagmamalaki. Naway magsilbing inspirasyon ang inyong tagumpay para sa mas marami pang kababayan nating nangangarap. Huwag kayong titigil sa pangarap ang pagtatapos na ito ay simula lamang ng mas makulay ninyong kinabukasan.

Patuloy kayong mangarap, magsikap, at maglingkod sa kapwa. Kayo ang patunay na kahit saan ka man magsimula, posibleng marating ang tagumpay basta't may tiwala sa sarili at pananalig sa Diyos.

Mabuhay kayong mga Graduates ng ALS lalo sa Barangay Pineda! Kami ay saludo sa inyo!i

Address

Pineda
Pasig City
1600

Telephone

+639279909273

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Maron Dane De Leon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Maron Dane De Leon:

Shortcuts

Share