10/02/2026
Walang may pakialam kung mahirap para sa’yo.
May pakialam lang sila kapag may resulta ka na.
At ito yung masakit na reality na kadalasang nangyayari.
Ang proseso hindi naman palaging masaya talaga.
May times susubukan niya kung karapat-dapat ka bang tumuloy.
Kung ngayon pa lang pagod ka na,
baka hindi ka para sa pangmatagalan.
Walang applause sa gitna.
Walang cheer.
Walang sasalo sa’yo kapag nagkamali ka.
(Depende kung magbababa ka ng pride, lalapit ka at hihingi ng tulong.)
Meron lang tanong araw-araw:
Tuloy ka pa ba, kahit walang kasiguraduhan?
Kung naiisip mo na “parang hindi gumagana ah”, good.
Ibig sabihin nasa totoong laban ka.
Ang hindi nasisira, hindi rin lumalakas.
Tigilan mo nang umasa sa gana.
Ang mga nananatili, hindi motivated kundi desidido.
Marami ang magsisimula.
Iilan lang ang mag-stay.
Hindi dahil mas magaling sila.
Kundi dahil MAS DESIDIDO silang may mabago.
🐺