29/09/2026
PAANO MAIIWASAN ANG PAGKAKAROON NG INSULIN RESISTANCE?
✅ Ang INSULIN RESISTANCE ay ang condition kung saan ang katawan ay hindi nagrerespond sa insulin.
✅ Dahil dito, hindi magamit ng cells ang glucose at nagbubuild-up ang glucose sa dugo. Over time, maaari tong pagmulang ng DIABETES at mga CARDIOVASCULAR DISEASE
✅ Common na mga RISK FACTORS ng pagkakaroon ng INSULIN RESISTANCE ay ang EXCESS BODY FAT at LACK OF PHYSICAL ACTIVITY
✅ Ang diet na MATAAS SA PROCESSED FOODS, SOBRANG CARBOHYDRATES AT SATURATED FATS ay linked din sa insulin resistance
✅ Upang maiwasan ang pagkakaroon ng insulin resistance:
1. EAT NUTRITIOUS FOODS - less processed, more fresh and whole foods. Kumain ng naaayon sa pangangailangan. Masama ang sobra-sobrang calories. Nakadepende ang total calories na kailangan sa age, s*x, weight at level of activity.
2. INCREASED PHYSICAL ACTIVITY - pagsamahin ang aerobic exercises gaya ng jogging at strength training gaya ng pagbubuhat ng weights. Gawin regularly throughout the week
3. LOSE WEIGHT - mababawasan ang belly fat sa pamamagitan ng number 1 and number 2. May mga certain medications gaya ng semaglutide at tirzepatide na makakatulong dito.