29/04/2026
💊 Eksena sa Parmasiya: Ang "Foreigner Panic"
Pumasok si Lolo Kano—matangkad, naka-fedora hat, at medyo lito ang look habang hawak ang kanyang reseta. Pagtingin ko sa gilid ng mata ko, ang mga pharmacy assistants ko na akala mo ay laging bida sa TikTok, biglang naging pro sa larong Patintero! Nagtutulakan na sila sa likod ng computer! 🤣
"Ikaw na, sis! Mas maputi ka, baka mas magkaintindihan kayo!" bulong ng isa.
"Ayoko nga! 'Di ba nanonood ka ng English movies? Go na, ikaw na!" sagot naman ng isa habang pilit tinutulak ang kasama palapit sa "danger zone." 😂
Sabi ko sa sarili ko, "Hay naku, girls. If you want a job done with finesse and linguistic flair, you call the Captain."
Inayos ko ang aking white coat, nag-apply ng kaunting lip gloss, at rumampa ako sa Counter 4 na parang lalabas sa isang International Pharmacy Convention. I gave them my best "Don't worry, the Expert is here" look.
Hinarap ko si Lolo with a 1,000-watt smile and said:
"Good afternoon, sir! Welcome to our establishment. Please, do not be intimidated by the youthful energy of my colleagues. How may I be of superlative assistance to your pharmaceutical necessities today?"
..Pero wait, gigising lang muna ako kasi medyo exaggerated ang imagination ko sa part ko! 😂
Pero totoo, 'di ba? Normal na eksena talaga sa pharmacy na nagtutulakan kapag may foreigner na lumalapit. Pero alam niyo, sa totoo lang, masarap silang i-serve. Bakit? Kasi very inquisitive sila tungkol sa gamot nila. They really take the time to listen sa explanation mo at super appreciative sila.
Kabaligtaran sa madalas na eksena sa atin na laging nagmamadali ang mga pasyente. Kapag oras na para sa Patient Counseling, madalas "Pass" agad sila basta makuha lang ang gamot.
Kaya kahit "nosebleed" minsan, mas pipiliin ko na ang masinsinang usapan kaysa sa minamadaling transaksyon. Service with a heart (and a little bit of English flair)! 💁🏻♀️✨