Rural Health Unit of Roxas, Palawan

Rural Health Unit of Roxas, Palawan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Rural Health Unit of Roxas, Palawan, Medical and health, Barangay 2, Poblacion, Roxas Palawan, Quezon City.

29/07/2026

๐Ÿ’‰ ๐˜ฝ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™—๐™–๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ ๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ข๐™–๐™จ ๐™ก๐™ž๐™œ๐™ฉ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™—๐™ช๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ.

Ang pagbabakuna ay isa sa mga pinakaligtas at pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang mga bata laban sa tigdas at rubellaโ€”mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon at maging ng pagkamatay.

Sa pamamagitan ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA), sama-sama nating pinangangalagaan ang kalusugan ng bawat batang Palaweรฑo.

Magpabakuna. Magprotekta. Magligtas ng buhay. โค๏ธ๐Ÿ’‰




๐Ÿ’‰ Tigdas ay nakahahawa, ngunit naiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.Ang tigdas ay isa sa mga pinaka-nakakahawang sakit. Ma...
29/07/2026

๐Ÿ’‰ Tigdas ay nakahahawa, ngunit naiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Ang tigdas ay isa sa mga pinaka-nakakahawang sakit. Mabilis itong kumakalat sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, at malapit na pakikisalamuha sa taong may impeksyon. Kapag hindi naagapan, maaari itong magdulot ng malubhang komplikasyon tulad ng pulmonya, impeksyon sa utak, pagkabulag, malnutrisyon, at maging ng pagkamatay.

๐Ÿ” Alamin ang mga senyales ng tigdas:
โœ”๏ธ Mataas na lagnat
โœ”๏ธ Sipon at ubo
โœ”๏ธ Pamumula ng mata
โœ”๏ธ Mapupulang pantal sa katawan

๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธ Kung mapansin ang mga sintomas, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center upang mabigyan ng tamang pangangalaga at maiwasan ang pagkalat ng sakit.



๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ฅ๐—ข๐—ซ๐—”๐—ฆ, ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—›๐—ข ๐— ๐—ข๐—ก๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—ฃ๐—–๐—ข๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ-๐—ฅ๐—จ๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—œ๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—œ๐—˜๐—ฆBilang pag...
29/07/2026

๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ฅ๐—ข๐—ซ๐—”๐—ฆ, ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—›๐—ข ๐— ๐—ข๐—ก๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—ฃ๐—–๐—ข๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ-๐—ฅ๐—จ๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—œ๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—œ๐—˜๐—ฆ

Bilang paghahanda para sa nalalapit na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA), magsasagawa ng monitoring at technical assistance ang World Health Organization (WHO) sa MIMAROPA Region sa pangunguna ni Dr. Prashun Rana, WHO Consultant para sa MR-SIA, na nakatakdang magsagawa ng deployment sa rehiyon mula Hulyo 26 hanggang Agosto 31, 2026.

Sa kanyang pagbisita sa Palawan, kabilang ang Bayan ng Roxas, magsasagawa si Dr. Rana ng field monitoring, supportive supervision, on-site coaching, at pagbibigay ng mga rekomendasyon upang higit pang mapalakas ang implementasyon ng National Immunization Program, partikular ang MR-SIA.

Bilang kinatawan ni Mayor Pedy B. Sabando, nagpahayag ng buong suporta ang Municipal Administrator Engr. Teodoro V. Cayetano Jr. sa isasagawang aktibidad.

Patuloy ang pakikiisa ng Pamahalaang Lokal ng Roxas sa mga programang naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan, lalo na ng mga kabataan, sa pamamagitan ng ligtas at epektibong pagbabakuna. Patuloy na nakikipagtulungan ang LGU Roxas sa Department of Health at World Health Organization upang matiyak ang matagumpay na implementasyon ng MR-SIA at mapanatiling ligtas ang komunidad laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.




28/07/2026
๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”๐—•๐—œ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฅ๐—˜๐—ง๐—ข๐—ข๐—Ÿ๐—˜๐—— ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  | ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข ๐—–๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฉ๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ง๐—ข๐—ช๐—ก ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ...
28/07/2026

๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”๐—•๐—œ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฅ๐—˜๐—ง๐—ข๐—ข๐—Ÿ๐—˜๐—— ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  | ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข ๐—–๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฉ๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ง๐—ข๐—ช๐—ก ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ฅ๐—ข๐—ซ๐—”๐—ฆ, ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก

Sa inisyatiba ni Mayor Pedy B. Sabando at ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas, katuwang si Mam Ann Marie Salve H. Ylagan, MLGOO ng DILG, matagumpay na isinagawa ang Tarabiangan Program and Retooled Community Support Program (RCSP) โ€“ Serbisyo Caravan and Town Hall Session sa Barangay Bagong Bayan, Roxas, Palawan.

Layon ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan, lalo na sa mga nasa malalayong barangay, ang iba't ibang serbisyo mula sa Lokal na Pamahalaan, mga national agencies, at uniformed personnel upang higit nilang maramdaman ang presensya at malasakit ng pamahalaan.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng medical check-up at pamamahagi ng gamot mula sa Municipal Health Office (MHO), libreng gupit, tuli, tooth extraction, pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga health benefits, pagsasa-ayos ng mga dokumento, at pamamahagi ng mga binhi (seeds).

Nakiisa rin ang iba't ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan at mga national agencies sa paghahatid ng kani-kanilang mga programa at serbisyo.

Nagkaroon ng bukas na talakayan sa pagitan ng Alkalde, mga residente at ng mga kinatawan ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, naiparating ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing, mungkahi, at katanungan na agarang nabigyan ng kaukulang kasagutan at tugon.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng Bagong Bayan sa pangunguna ni Kapitan Diosdado Agustin sa serbisyong inilapit sa kanilang barangay.

Patuloy na isinusulong ng pamunuan ni Mayor Pedy B. Sabando ang mga programang naglalapit ng serbisyo sa bawat barangay bilang bahagi ng layunin ng Lokal na Pamahalaan na maihatid ang mahusay, mabilis, at inklusibong serbisyo sa bawat mamamayan ng Bayan ng Roxas.


๐Ÿ“ข ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐† ๐Š๐€๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐‹๐”๐’๐Ž๐† ๐๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐! ๐Ÿ’™Noong Hulyo 25, 2026, matagumpay na nagsagawa...
27/07/2026

๐Ÿ“ข ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐† ๐Š๐€๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐‹๐”๐’๐Ž๐† ๐๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐! ๐Ÿ’™

Noong Hulyo 25, 2026, matagumpay na nagsagawa ang Municipal Health Office ng Roxas ng isang Information and Education Campaign tungkol sa HIV/AIDS, pag-iwas sa maagang pagbubuntis (Teen Pregnancy), at Drug Abuse Prevention para sa mga kabataan ng Barangay San Jose, Roxas, Palawan.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation, na nagbigay ng pagkakataon sa ating mga kabataan na mapalawak ang kanilang kaalaman at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyung kinakaharap ng kanilang henerasyon.

Lubos nating ikinagagalak ang aktibong pakikilahok ng mga kabataan, na nagpakita ng interes sa talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong, pagbabahagi ng kanilang mga pananaw, at pakikiisa sa mga gawain. Ang kanilang sigasig ay patunay na ang wastong impormasyon at bukas na komunikasyon ay mahalagang sandata sa paghubog ng responsableng kabataan.

Patuloy na magsisikap ang Municipal Health Office sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Pedy Bautista Sabando " PBS " ng Roxas na maghatid ng mga programang nagtataguyod ng kalusugan, tamang kaalaman, at positibong pagpapahalaga upang makabuo ng isang komunidad na ligtas sa HIV, maagang pagbubuntis, at ilegal na droga.

๐Ÿ’™ Ang kaalaman ang unang hakbang tungo sa tamang desisyon. Sama-sama nating gabayan ang ating kabataan tungo sa isang mas maliwanag, malusog, at ligtas na kinabukasan.







27/07/2026

Buong suporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pangunguna ni ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐€๐ฆ๐ฒ ๐‘๐จ๐š ๐€๐ฅ๐ฏ๐š๐ซ๐ž๐ณ sa pagsasagawa ng ๐™ˆ๐™š๐™–๐™จ๐™ก๐™š๐™จ-๐™๐™ช๐™—๐™š๐™ก๐™ก๐™– ๐™Ž๐™ช๐™ฅ๐™ฅ๐™ก๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™„๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ (๐™ˆ๐™ ๐™Ž๐™„๐˜ผ) ๐™–๐™ฉ ๐™‘๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐˜ผ ๐™Ž๐™ช๐™ฅ๐™ฅ๐™ก๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ sa lalawigan ng Palawan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatiling ligtas, malusog, at protektado ang bawat batang Palaweรฑo.

Ang MR SIA ay isang mahalagang kampanya ng Department of Health na naglalayong mabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa tigdas at rubella ang mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan, habang ang Vitamin A Supplementation naman ay tumutulong sa pagpapalakas ng resistensya, pagpapanatili ng malusog at tamang paglaki ng mga bata.

Suportahan ang MR SIA at Vitamin A Supplementation. Dalhin ang inyong anak, magpabakuna, at magpa-Vitamin A para sa isang mas malusog at mas ligtas na kinabukasan ng bawat batang Palaweรฑo! ๐Ÿ’š๐Ÿ’‰๐ŸŠ





๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—จ๐—ž๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—œ๐——๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ž๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—จ๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—•๐—œ๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—š๐—ฌ. ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”๐——๐—จ๐—ก๐—š๐—”๐—ก, ๐—ฅ๐—ข๐—ซ๐—”๐—ฆ, ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—กBilang bahagi ng p...
24/07/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—จ๐—ž๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—œ๐——๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ž๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—จ๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—•๐—œ๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—š๐—ฌ. ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”๐——๐—จ๐—ก๐—š๐—”๐—ก, ๐—ฅ๐—ข๐—ซ๐—”๐—ฆ, ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan at kalinisan ng inuming tubig sa komunidad, matagumpay na nagsagawa ng oryentasyon ukol sa pagdidisimpekta ng inuming tubig para sa mga Community Volunteer Health Workers (CVHW) ng Barangay Taradungan.

Pinangunahan ang nasabing gawain nina Anthony M. Malirong, Sanitary Inspector III, Melvin Y. Yara, Rural Sanitary Inspector II, at Paulino Jr. B. Gonzaga, Sprayman.

Tinalakay sa oryentasyon ang wastong paraan ng pagdidisimpekta ng inuming tubig upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit na dulot ng maruming tubig at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan.

Bahagi rin ng aktibidad ang aktuwal na demonstrasyon sa tamang paggawa ng stock solution, gayundin ang return demonstration ng mga kalahok upang matiyak ang kanilang sapat na kaalaman at kahandaan sa wastong pagsasagawa ng water disinfection sa kani-kanilang nasasakupan.

Lubos na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Roxas, sa pangunguna ni Mayor Pedy B. Sabando, ang mga programang naglalayong mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Roxaseรฑo. Patunay ito ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng kalusugan sa paghahatid ng de-kalidad at maagap na serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay.

DOH URGES PUBLIC TO SUPPORT JULY DEWORMING PROGRAM, WARNS AGAINST MISINFORMATION
19/07/2026

DOH URGES PUBLIC TO SUPPORT JULY DEWORMING PROGRAM, WARNS AGAINST MISINFORMATION




Address

Barangay 2, Poblacion, Roxas Palawan
Quezon City
5308

Telephone

+639480686693

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit of Roxas, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share