12/03/2026
Gift Giving at Feeding Program handog sa mga mag-aaral ng PNP-CDC
Ngiti at tuwa ang makikita sa mukha ng mga mag-aaral ng PNP-CDC sa isinagawang Gift-Giving at Feeding Program sa PNP Child Development Center, Camp BGen Rafael T Crame nito lamang ika-12 ng Marso taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga miyembro ng Sangguniang Masang Pilipino International, Inc. (SMPII) na pinangunahan ni CA01, Menrado F. Ragunton katuwang ang Police Community Affairs and Development Group na pinangunahan ni PBGEN VINA H GUZMAN, D, PCADG.
Lumahok din sa programa ang ilang miyembro ng PNP OLC Foundation Inc. na pinangunahan ni Mrs. Mary Rose Nartatez, Adviser, OLCFI, PCOL NIEVES DELA PEรA, Chief, FJGADD, PCOL LUIS E. GUISIC, Chief, CADD, PCADG, PCPT ROMEL T SUMALINOG, CDSP Supervisor, at kanyang mga Child Development Service Providers.
Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng mga school supplies, laruan, Jollibee food packs at palaro sa mga mag-aaral ng PNP-CDC.
Bukod pa rito ay nagbigay ng saya ang PNP mascots at ang Jollibee Mascot, kasama ang PCADG Dance Fitness Team, sa kanilang masiglang pagtatanghal ng sayaw kung saan nakiindak ang mga bata, mga PNP personnel, at maging ang mga bisita.
Hindi maitago ng mga mag-aaral ang kanilang tuwa at pasasalamat sa mga natanggap na handog mula sa mga miyembro ng SMPII.
Ang nasabing aktibidad ay sumasalamin sa patuloy na malasakit at pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police at ng mga katuwang nitong organisasyon sa komunidad, isang hakbang tungo sa layunin ng โBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.โ