31/07/2026
๐ฟ๐ 52๐ง๐ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง 2026 ๐๐ฟ
๐
July 31, 2026
๐Municipal Gym
Isang makulay, masaya, at makabuluhang pagdiriwang ang matagumpay na naisakatuparan ngayong araw sa Culminating Activity ng 52nd Nutrition Month Celebration na may temang:
โ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐จ๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.โ
Naging mas makahulugan ang pagdiriwang sa pagdalo ng mga panauhin mula sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Municipal Mayor, Hon. Norman S. Ong, na kinatawan ni Mr. Arvin Fuentes, Executive Assistant II. Nakiisa rin sina Vice Mayor Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta, mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina SB Rolly Badenas, SB Jed Tarbok, at SB John Kian Pantalita, kasama sina Yetzer Tamporong, ND mula sa PDOHO, at Enp. Jenel Joy C. Torres-Municipal ENRO, mga g**o ng Child Development Centers, mga kinatawan ng DSWD 4Ps sa pangunguna ni Anitel Bitioon, mga Punong Barangay at kanilang mga konsehal, barangay nurses, midwives, Community Volunteer Health Workers (CVHWs), at iba pang mga bisita at mamamayan.
Lalong naging masigla ang pagdiriwang sa ibaโt ibang patimpalak na nagpakita ng talento, kaalaman, at pagkamalikhain ng ating mga kalahok:
๐จ Draw and Tell ng mga bata
๐ฒ Nutri Cooking Contest
๐ง Nutri Quiz para sa mga Health Workers
๐ชฃ Nutri Tabo Competition
๐ฅฆ Backyard Gardening
๐Spotmap making contest
๐ At ang pinakaaabangang Zumba Competition, na nagpuno ng enerhiya, saya, at sigla sa buong programa.
Higit pa sa mga paligsahan at kasiyahan, ang pagdiriwang na ito ay nagsilbing paalala na ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan ay responsibilidad ng bawat isa. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, mga barangay, mga health workers, mga g**o, at ng buong komunidad, mas lalo nating napapalakas ang ating layunin na makamit ang isang mas malusog at mas matatag na pamayanan.
Mula sa Municipal Health Office, sa pangunguna ni Rutchel Escabal Laborera, RN, Municipal Health Officer OIC, at Leslie Ann Echalas,RN-MNAO ay taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, naglaan ng panahon, tumulong sa paghahanda, at nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang selebrasyong ito.
๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ ๐น๐๐๐๐.
Patuloy nating isabuhay ang diwa ng โNutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan,โ sapagkat ang isang malusog na mamamayan at isang malinis na kapaligiran ang pundasyon ng isang maunlad na kinabukasan.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa!
๐ Sama-sama para sa mas malusog na Rizal!