Isiah Hospital Breastfeeding Online Consultation

  • Home
  • Isiah Hospital Breastfeeding Online Consultation

Isiah Hospital Breastfeeding Online Consultation Breastfeeding Support Group by Isiah Hospital and Medical Center

28/08/2025

Breastfeed on demand!

Mommy, gaano nga ba kadalas dapat magpasuso? Simple lang ang sagot: sa tuwing gusto ni baby, at hangga’t gusto niya!

Narito ang ilang paalala:
⏰ Breastfeed on demand — pasusuhin si baby anumang oras niya gustuhin
👶 Karaniwang tumatagal ang pagpapasuso ng 20 minuto
📉 Habang lumalaki si baby, bumababa ang dalas at haba ng pagpapasuso

Tandaan: Ang madalas at tuloy-tuloy na pagpapasuso ay nakatutulong sa masaganang milk supply ng nanay. Isang mahalagang hakbang tungo sa mas malusog na paglaki ni baby, tungo sa Bagong Pilipinas kung saan Bawat Buhay Mahalaga!


28/08/2025

Fathers may support breastfeeding, too!

They can make breastfeeding an easier job for a new mum by:
❤️listening to her
❤️Encouraging her

They can offer practical help while she rests by:
❤️cuddling the baby and playing with them
❤️bathing the baby
❤️burping the baby

28/08/2025
28/08/2025

Ngayong 𝘽𝙧𝙚𝙖𝙨𝙩𝙛𝙚𝙚𝙙𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙬𝙖𝙧𝙚𝙣𝙚𝙨𝙨 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝 pahalagahan at kilalanin ang sakripisyo ng ating mga ina para maibigay ang tamang nutrisyon at kalinga sa kanilang mga anak!

Bawat patak ay may kwentong halakhak at yakap. Mga alaala ng saya at pagmamahalan na patuloy na nagbibigay-buhay sa ating bawat araw.

Kilalanin si 𝙈𝙧𝙨. 𝙅𝙚𝙨𝙨𝙖 𝙁𝙧𝙪𝙚𝙡𝙙𝙖, isang proud at certified breastfeeding mom ng Romblon!

“Noong una, akala ko imposibleng mabreastfeed si baby dahil sa iba’t ibang dahilan. Pero ngayon, kahit nasa trabaho at travel ako, kampante akong kahit wala ako sa tabi niya, naibibigay ko pa rin ang gatas na kailangan niya. Bilang isang exclusive pumping na nanay, kailangan ng matinding tiyaga at dedikasyon para kay baby. Tunay na biyaya ang pagkakaroon ng sapat na gatas dahil bukod sa nutrisyong naibibigay nito sa kanya, malaki rin ang natitipid namin. Nakakapagod man, ilalaban ko ito hanggang dulo, dahil bawat patak ng gatas ay mahalaga para masigurong healthy at masigla si baby.”



28/08/2025

Sa wastong pagpapasuso, kalusugan ni baby ay sigurado!

Alam mo ba kung ano ang unang hakab o Kangaroo Mother Care?

Ito ang unang yakap ni baby—nakahubad (maliban sa lampin at sumbrero) at nakadikit ang balat sa dibdib ni mommy. Ang init, haplos, amoy, boses, at gatas ni nanay ay nakatutulong para mapakalma si baby at mapabuti ang kanyang paghinga at tibok ng puso. Lalo itong mahalaga para sa mga sanggol na ipinanganak na mababa ang timbang.

Bakit mahalaga ang unang hakab?
👶 Tumutulong sa tamang paghinga, tibok ng puso, at init ng katawan ni baby
🛡️ Pinalalakas ang resistensya laban sa impeksyon
💧 Pinapabilis ang daloy ng gatas ni nanay
🤱 Simula agad ang breastfeeding sa unang oras
⚠️ Iwas hypoglycemia o mababang blood sugar
😴 Mas mahimbing ang tulog at mas kalmado si baby

Sa unang hakab nagsisimula ang unang pagpapasuso. Ipagpatuloy ito hanggang si baby ay umabot ng 2 taon. Sa wastong pagpapasuso, si baby ay ligtas, protektado, at malusog!


04/08/2025
04/08/2025

Ngayong Buwan ng Agosto 2025, kaisa ang National Nutrition Council sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month na may temang: "Prioritize Breastfeeding: Create Sustainable Support Systems."

Layunin ng temang ito na palakasin ang suporta para sa mga nanay sa pamamagitan ng masustansyang pagkain, sapat na pahinga, at emosyonal na kalinga, upang mapanatili ang matagumpay at tuloy-tuloy na pagpapasuso.

Suportahan natin ang bawat inang nagpapasuso-- para sa susunod na henerasyon!



14/07/2025

Ginawa nang mas madali at mabilis ang access ng mga Pilipino sa HIV testing ngayon.

Kung ikukumpara noon, aabot sa pitong araw hanggang tatlong linggo bago malaman ang HIV status ng isang tao sa pamamagitan ng confirmatory test. Ngayon, isang araw lang ang kakailanganin para makuha ang resulta. Maaaring makuha ang HIV confirmatory test sa 168 rHIVda laboratories.

Ang confirmatory test ay kailangan para sa mga nagkaroon ng reactive result sa initial HIV test.

Narito ang listahan ng rHIVda sites kung saan pwede kumuha ng confirmatory test: bit.ly/rHIVdaSitesPH. 🏥

Tandaan, testing ang unang hakbang para sa tamang gamutan. 🫶





14/07/2025

🤱 Pagpapasuso kay Baby?
Check your breastmilk, Mommy! ✅

Para masigurong sapat at tuloy-tuloy ang daloy ng breastmilk, tandaan ang mga ito:
✔️ Tamang paghakab
✔️ Regular na pagpapasuso
✔️ Masustansiyang pagkain
✔️ Sapat na tulog at ehersisyo
✔️ Uminom ng maraming tubig
❌ Iwasan ang alak at sigarilyo
💡 Eksklusibong pagpapasuso lamang kay baby hanggang siya ay mag-6 na buwan!


Address

Odiongan

Telephone

+639515898231

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Isiah Hospital Breastfeeding Online Consultation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Isiah Hospital Breastfeeding Online Consultation:

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share