28/07/2026
๐ง๐๐ฅ๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฅ๐๐ง๐ข๐ข๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐ง๐ฌ ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ | ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ก ๐๐ง ๐ง๐ข๐ช๐ก ๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ข๐ก, ๐๐ก๐๐๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐ฅ๐ข๐ซ๐๐ฆ, ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก
Sa inisyatiba ni Mayor Pedy B. Sabando at ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas, katuwang si Mam Ann Marie Salve H. Ylagan, MLGOO ng DILG, matagumpay na isinagawa ang Tarabiangan Program and Retooled Community Support Program (RCSP) โ Serbisyo Caravan and Town Hall Session sa Barangay Bagong Bayan, Roxas, Palawan.
Layon ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan, lalo na sa mga nasa malalayong barangay, ang iba't ibang serbisyo mula sa Lokal na Pamahalaan, mga national agencies, at uniformed personnel upang higit nilang maramdaman ang presensya at malasakit ng pamahalaan.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng medical check-up at pamamahagi ng gamot mula sa Municipal Health Office (MHO), libreng gupit, tuli, tooth extraction, pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga health benefits, pagsasa-ayos ng mga dokumento, at pamamahagi ng mga binhi (seeds).
Nakiisa rin ang iba't ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan at mga national agencies sa paghahatid ng kani-kanilang mga programa at serbisyo.
Nagkaroon ng bukas na talakayan sa pagitan ng Alkalde, mga residente at ng mga kinatawan ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, naiparating ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing, mungkahi, at katanungan na agarang nabigyan ng kaukulang kasagutan at tugon.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng Bagong Bayan sa pangunguna ni Kapitan Diosdado Agustin sa serbisyong inilapit sa kanilang barangay.
Patuloy na isinusulong ng pamunuan ni Mayor Pedy B. Sabando ang mga programang naglalapit ng serbisyo sa bawat barangay bilang bahagi ng layunin ng Lokal na Pamahalaan na maihatid ang mahusay, mabilis, at inklusibong serbisyo sa bawat mamamayan ng Bayan ng Roxas.