29/07/2026
💜 Magandang balita para sa ating mga kababayan, lalo na sa mga taga-San Francisco, Quezon! 🧡
📢 Ang RF Velarde Pharmacy & General Merchandise ay isa sa mga accredited service providers ng Kalinga ng Kapitolyo para sa Quezonians Program ng Provincial Government of Quezon.
Kung kayo ay may Guarantee Letter (GL) mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), maaari na ninyo itong gamitin sa aming pharmacy para sa pagkuha ng mga gamot na sakop ng inyong GL, alinsunod sa mga patakaran ng programa.
✅ Hindi na kailangang bumiyahe sa ibang bayan. Para sa mga residente ng San Francisco, Quezon at mga kalapit na lugar, maaari na kayong mag-avail ng inyong gamot dito mismo sa RF Velarde Pharmacy, mas malapit at mas maginhawa.
📍 Bisitahin kami sa:
San Francisco St., Purok 6, Brgy. Poblacion, San Francisco, Quezon
💊 Patuloy kaming nagbibigay ng de-kalidad, abot-kaya, at maaasahang serbisyong pangkalusugan para sa ating komunidad.
Maraming salamat sa tiwala ng Provincial Government of Quezon at sa patuloy na suporta ng ating mga suki. Sama-sama nating palawakin ang akses sa ligtas at tamang gamot para sa bawat Quezonian.