16/09/2026
Nauunawaan namin ang sakit at pangungulila ng isang pamilyang nawalan ng mahal sa buhay. Sa lahat ng pamilyang dumaranas nito, kami po ay buong pusong nakikiramay. Bilang pampublikong ospital, patuloy naming ginagawa ang aming makakaya upang mapaglingkuran ang bawat pasyente, sa kabila ng mga limitasyon at dami ng pasyenteng aming tinatanggap.
Gayunpaman, may mga pagkakataong kritikal na ang kondisyon ng pasyente pagdating sa ospital at sa kabila ng lahat ng aming pagsisikap, hindi na natin kayang kontrolin ang magiging resulta ng kanyang karamdaman.
Hinihiling namin na ang inyong KARANASAN SA OSPITAL, KAPURI-PURI O MAY HINAING, ay direktang iparating sa Provincial Health Office upang ito ay maayos na mapakinggan at maimbestigahan kung kinakailangan. Maaari itong idulog sa bit.ly/QHCPNCARES o i-scan ang QR code sa ibaba.
Mahalaga ang tamang impormasyon, lalo na ang first-hand information. Ang impormasyong naipapasa lamang mula sa ibang tao, lalo na sa mga hindi mismo nakasaksi sa pangyayari, ay maaaring hindi kumpleto o magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.Kami ay handang makinig.
Hinihiling lamang namin na bigyan kami ng pagkakataong alamin ang buong pangyayari at maibigay ang tamang kasagutan sa tamang lugar at paraan.