Nacing Santiago Foundation Inc. - Physical Therapy & Rehabilitation Center

  • Home
  • Nacing Santiago Foundation Inc. - Physical Therapy & Rehabilitation Center

Nacing Santiago Foundation Inc. - Physical Therapy & Rehabilitation Center NSFI-PTRC offers affordable and quality Physical Therapy services to the community. Ignacio Santiago in 1991

Previously known as Bulacan Physical Therapy, Nacing Santiago Foundation Inc is the oldest rehab center in Bulacan founded by Gov.

01/08/2020

HINDI po muna makapagbubukas ang NSFI clinic sa kasalukuyang panahon. Wala pa pong tiyak na petsa kung kailan kami muling makakapagbigay ng serbisyo sa clinic.

Tumatanggap po kami ng PILI at LIMITADONG dami ng pasyente na nais magpa-HOMECARE. Mangyaring i-send po sa aming Messenger ang mga sumusunod na detalye: address, diagnosis, edad, at contact number ng pasyente. Muli, limitado at pili lamang po ang makakayang tugunan para sa homecare services.

Kung nais pong magpa-konsulta sa rehab doctor, maaari po gamit ang TELECONSULTATION at ito ay gaganapin sa ibang lugar. Mag-iwan po ng message sa aming Messenger para sa detalye.

Ingat at maraming salamat po.

15/07/2020

Dahil sa COVID-19, maraming mga bagong guidelines at protocol ang kailangang sundin ng clinic bago muling makapagbigay serbisyo sa komunidad. Kasalukuyan pong pinag-aaralan ng NSFI management kung makapagbubukas na muli ang clinic sa darating na Agosto.

Kung maaari, mangyaring sagutan ang survey form na ito: https://bit.ly/3exassW

Makatutulong ang impormasyong makakalap sa aming desisyon. Ingat at maraming salamat po.

31/05/2020

Ang clinic ay mananatiling SARADO sa buong buwan ng Hunyo.

Muli po, ang kaligtasan ng lahat ang aming prayoridad. Pinag-aaralan po ng NSFI management kung paano muling makakapagbigay ng serbisyo ang aming clinic sa kalagitnaan ng pandemya.

Iaanunsyo po namin dito sa page ang magiging desisyon ng mangement at iba pang impormasyon kaugnay sa aming operasyon at serbisyo.

Maraming salamat po.

11/05/2020

ANNOUNCEMENT:

Nakakatanggap po ng mga Facebook messages ang aming page tungkol sa muling pagbubukas ng clinic nitong mga nakaraang araw.

Sa kasalukuyan, hindi pa po tiyak ang petsa kung kailan muling magbubukas ang clinic. Batid man po namin ang pangangailangan ng mga pasyente ng agarang physical therapy, ang aming serbisyo ay itinuturing na 'close contact' sa mga pasyenteng 'immunocompromised' at madaling kapitan ng sakit. Para po sa kaligtasan ng aming staff, ng mga pasyente, at ng mga kasama nito, hindi po muna magbubukas ang clinic sa kasalukuyang sitwasyon.

Pakihintay nalang po ang announcement ng aming management dito sa page kung kailan kami muling makakapagbigay ng serbisyo.

Ingat at God Bless.
Maraming salamat po.

18/03/2020

CLOSED until further notice

please stay tuned for updates

DAHIL PO SA KUMAKALAT NA COVID-19, IPAPATUPAD ANG MGA SUMUSUNOD NA ALITUNTUNIN: - Ang clinic ay magbubukas mula Lunes ha...
15/03/2020

DAHIL PO SA KUMAKALAT NA COVID-19, IPAPATUPAD ANG MGA SUMUSUNOD NA ALITUNTUNIN:

- Ang clinic ay magbubukas mula Lunes hanggang Biyernes lamang.

- Wala po munang konsultasyon o therapy tuwing Sabado.

- Ang clinic ay magsasara kung magkaroon ng "lockdown" dahil sa:
1. May dalawa o higit pang nag-positibo sa COVID-19 sa Brgy. San Gabriel
2. May dalawa o higit pang nag-positibo sa COVID-19 sa bayan ng Sta. Maria.

- Simula March 16 (Lunes), ang clinic ay maglilimita ng mga staff at ng pagtanggap ng mga pasyente. Mangyaring makipag-ugnayan sa inyong mga PT para po sa bagong schedule ng inyong mga sessions.

Salamat po.

Para po sa mga taga San Jose, kung maaari ay manatili na lamang po sa kanya kanyang bahay upang maka iwas sa Covid 19.
15/03/2020

Para po sa mga taga San Jose, kung maaari ay manatili na lamang po sa kanya kanyang bahay upang maka iwas sa Covid 19.

Alinsunod sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution 11 Series of 2020, IPINATUTUPAD NA PO ANG CITY-WIDE QUARANTINE SA LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE matapos kumpirmahin ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang ikalawang kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa ating lungsod.

Ayon sa ating City Health Office (CHO), kasalukuyan na pong naka-confine ang dalawang pasiyente sa mga ospital sa NCR. Pagtitiyak rin ng ating CHO na agad silang nakapagsagawa ng contact tracing sa mga indibidwal na maaaring nakasalamuha ng mga pasiyente, at nakapaglunsad ng disinfection sa mga naturang lugar.

Muli po naming pinapaalalahanan ang publiko huwag po tayong mabahala, manatiling kalmado at sumunod lamang sa mga paalala ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte, City Health Office at ng ating Department of Health.


Para po sa kaligtasan ng lahat, kung may mga sumusunod na simtomas ang pasyente o miyembro ng pamilya, ipagpaliban po mu...
15/03/2020

Para po sa kaligtasan ng lahat, kung may mga sumusunod na simtomas ang pasyente o miyembro ng pamilya, ipagpaliban po muna ang pagbisita sa clinic, mag-self quarantine, o magpunta sa pinakamalapit na Emergency Room para sa karampatang pagsusuri.

Maraming salamat po.

Please be advised that our Doctor’s consultation will be CANCELLED due to COViD-19 until further notice. The clinic will...
12/03/2020

Please be advised that our Doctor’s consultation will be CANCELLED due to COViD-19 until further notice.

The clinic will open tomorrow (March 14 - Saturday) for regular therapy sessions only.

Please stay tuned for updates.

Address

0383 J.P. Rizal St., San Gabriel

3022

Opening Hours

Monday 07:00 - 14:00
Tuesday 07:00 - 14:00
Wednesday 07:00 - 14:00
Thursday 07:00 - 14:00
Friday 07:00 - 14:00
Saturday 07:00 - 14:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nacing Santiago Foundation Inc. - Physical Therapy & Rehabilitation Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Nacing Santiago Foundation Inc. - Physical Therapy & Rehabilitation Center:

Shortcuts

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share