16/10/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ข๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ ๐๐๐๐๐ก๐๐: ๐ ๐๐ฃ๐ฆ๐ฆ ๐ง๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐, ๐ ๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐ช๐!๐ง ๐ค
๐ฉ๐๐๐๐ ๐: ๐บ๐๐๐
๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐
Matagumpay na isinagawa ang Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) Training sa San Jose Primary Care Facility nitong October 12โ15, 2026.
Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang sektor at ahensya kabilang ang ๐๐๐ ๐ ๐๐จ๐๐ข๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐๐๐ก๐ฉ๐ ๐๐ค๐ง๐ ๐๐ง๐จ (๐ฝ๐๐๐จ), ๐๐ช๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐๐ก ๐๐ค๐๐๐๐ก ๐๐๐ก๐๐๐ง๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐ฟ๐), ๐๐ช๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐๐ก ๐ฟ๐๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ง ๐๐๐จ๐ ๐๐๐๐ช๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐๐๐๐๐ (๐๐ฟ๐๐๐), ๐ฝ๐ช๐ง๐๐๐ช ๐ค๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ง๐ค๐ฉ๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ - ๐๐๐ฃ ๐
๐ค๐จ๐ (๐ฝ๐๐), ๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐๐ค๐ก๐๐๐ - ๐๐๐ฃ ๐
๐ค๐จ๐ (๐๐๐), at ๐ฟ๐๐ฅ๐๐ง๐ฉ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐ค๐ ๐๐๐ช๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐ฃ ๐
๐ค๐จ๐ ๐๐ช๐-๐๐๐๐๐๐ (๐ฟ๐๐ฅ๐๐). Ang malawakang pagdalo ng ibaโt ibang sektor sa aktibidad na ito ay malinaw na patunay na ang pangangalaga sa mental na kalusugan ay hindi lamang tungkulin ng iisang ahensya, sapagkat ang bawat ahensya ay may mahalaga at hindi mapapalitang papel upang buong maitaguyod ang kapakanan ng buong komunidad.
Sa pangunguna ng ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ - ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐๐๐ฆ, naipagkaloob sa bawat kalahok ang isang komprehensibong pagsasanay na nakatuon sa Psychological First Aid (PFA), Grief Processing, at mga pamamaraan ng pag-alaga sa mental health ng bawat isa. Bukod sa mga practical simulation na naisagawa, binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng self-care sa ating mga lingkod-bayan upang patuloy silang makapaglingkod nang nararapat at may sapat na sigla at kalusugan.
Kaugnay nito, sa loob ng apat na araw na pagsasanay, mas lalo pang pinatibay ang kakayahan ng mga frontline workers na tumugon sa mental health needs ng mamamayan, magbigay ng naaangkop na suporta, at mag-ugnay ng mga nangangailangan sa tamang serbisyo. Ang ๐ ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐๐ฐ๐ต๐ผ๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ฆ๐๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ay mahalagang bahagi ng pagbuo ng mas matatag, mapagkalinga, at handang komunidad lalo na sa panahon ng krisis.
Taos-pusong pasasalamat sa ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ - ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐๐๐ฆ, sa pangangasiwa at suporta sa aktibidad na ito. Gayundin sa walang sawang suporta ng buong ๐๐จ๐ค๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง ๐๐จ๐ฌ๐ para sa kanilang patuloy na pagsuporta sa ating mga programang pangkalusugan.
Muli, sa patuloy nating pagtutulungan, mas mapapatatag pa natin ang isang ligtas, maunawain, at malusog na komunidad para sa lahat. Dahil sa San Jose, mahalaga ang mental na kalusugan ng bawat isa!