18/08/2026
Ngayong Agosto, nakikiisa ang ST MATTHEUS MEDICAL HOSPITAL Department of Pediatrics sa pagsasagawa ng
Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) Campaign kasabay ng Vitamin A Supplementation.
Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng inyong mga anak na 6 -59 na buwang gulang.
Magaganap ang pagbabakuna ng MR at Vit. A supplementation sa ST MATTHEUS MEDICAL HOSPITAL sa AGOSTO 22 2026, SABADO, 9am-5pm sa SMMH OPD.
Magtanong, Makinig at magtiwala lamang sa mga impormasyong nagmumula sa Department of Health, mga local health care workers at lisensyadong doktor at Pediatricians upang maiwasan ang pagkalat maling impormasyon o FAKE NEWS tungkol sa mga subok, tested at rehistradong bakuna.
Maaring kumuha ng Screening form at magparehistro sa SMMH 2nd floor OPD para makasiguradong walang sakit (lagnat, ubo, sipon, pagsusuka, pagtatae, atbp) ang inyong anak bago ang pagbabakuna.
Sama-sama nating siguraduhing ang ating mga anak ay LIGTAS sa TIGDAS!