13/05/2026
Hey gorgeous mommies! Here’s something to know about 75g OGTT 🌸
🩺 Bakit Mahalaga ang 75g OGTT sa Pagbubuntis?
Ang 75g OGTT (Oral Glucose Tolerance Test)ay isang test na ginagawa sa buntis para malaman kung may Gestational Diabetes Mellitus (GDM) o mataas na asukal sa dugo habang nagbubuntis.
🤰 Bakit ito kailangan?
Kahit walang sintomas, maaaring magkaroon ng gestational diabetes ang buntis. Kapag hindi ito naagapan, puwedeng magdulot ng:
• Mataas na timbang ng baby
• Mahirap na panganganak
• Premature delivery
• Mataas na blood sugar ng baby pagkapanganak
• Panganib sa kalusugan ni mommy at baby
🕒 Kailan ginagawa ang 75g OGTT?
Karaniwang ginagawa ito sa pagitan ng 24–28 weeks ng pagbubuntis, o mas maaga kung may risk factors gaya ng:
✔️ Family history ng diabetes
✔️ Overweight
✔️ Previous gestational diabetes
✔️ PCOS o mataas na blood sugar noon
📋 Paano ginagawa ang test?
1. Fasting muna ng 8–10 oras
2. Kukuhanan ng dugo
3. Iinumin ang 75g glucose drink
4. Kukuha ulit ng dugo matapos ang 1 hour at 2 hours
💡 Tandaan:
Ang maagang pag-detect ng gestational diabetes ay makakatulong para mapanatiling ligtas at healthy sina mommy at baby.
Lahat ng buntis na normal ang first trimester sugar screening ay kailangan ng 75g OGTT pagdating ng 24 weeks.