24/05/2026
By Dr. Anne Meredith Garcia Trinidad:
Maraming pasyente ang nagtatanong:
βDoc, cancer-free na ba ako?β
β Ano ba ang ibig sabihin ng βcancer-freeβ?
Karaniwan, ibig sabihin nito ay:
β
Walang nakikitang ebidensya ng cancer sa physical examination at mga tests (blood, imaging, histopathology)
β
Pero mahalagang maintindihan na:
π Hindi ito laging nangangahulugan na π―% wala nang cancer cells sa katawan
π May mga cancer na pwedeng sobrang liit pa para makita sa scans at iba pang tests
β οΈ Sa kasalukuyan, wala pang test na kayang magpatunay nang may π―% kasiguraduhan na wala nang natitirang kahit isang cancer cell sa katawan.
Kaya sa oncology, mas madalas at mas tamang gamitin ang terms na:
β
"No evidence of disease (NED)"
β
"Complete remission" o "in remission"
β
"Complete response (CR)"
β Pwede bang bumalik ang cancer?
Oo, posible pa rin sa ilang pasyente.
Kaya mahalaga ang:
β
Regular follow-up
β
Surveillance labs/scans
β
Pagpapatuloy ng maintenance treatment kung may inirekomenda ang inyong oncologist
β
Healthy lifestyle
β
Pag-monitor ng mga sintomas
β Ibig sabihin ba nito hopeless?
HINDI.
Maraming pasyente ang nananatiling walang ebidensya ng cancer sa loob ng maraming taon at marami rin ang tunay na gumagaling. π
ποΈ Ang goal ng treatment ay hindi lang pahabain ang buhay, kundi mapabuti rin ang kalidad nito.
β
Mahalaga ring tandaan:
Hindi lahat ng pasyente ay pare-pareho.
Ang kahulugan ng βcancer-freeβ ay maaaring iba depende sa:
β
Uri ng cancer
β
Stage
β
Treatment response
β
Haba ng panahon mula sa paggamot
π Kaya pinakamabuti pa rin na itanong sa inyong oncologist kung ano ang ibig sabihin nito sa inyong partikular na sitwasyon.