17/03/2026
🫁 LIBRENG TB MASS SCREENING AT CHEST X-RAY📣
Karagdagang Serbisyo:
• Pagpaparehistro at Pag-update ng mga Dependents sa PhilHealth
• Konsultasyon para sa Financially Incapable Renewal at Yakap Consultation
Ang Municipal Health Office, sa pakikipag-ugnayan sa DOH–CLCHD at Alay Buhay Foundation, ay magsasagawa ng Libreng TB Mass Screening at Chest X-ray sa mga sumusunod na lugar:
⸻
📅 March 19, 2026 (Huwebes)
📍 Barangay San Francisco – Barangay Gymnasium
🕗 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Barangay San Agustin – Barangay Gymnasium
🕐 1:00 PM – 5:00 PM
⸻
📅 March 20, 2026 (Biyernes)
📍 Barangay Baloc (Purok 8 Pudiot) – Barangay Health Center
🕗 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Barangay Baloc – Barangay Hall Compound beside the Gymnasium
🕐 1:00 PM – 5:00 PM
⸻
👥 SINO ANG INAANYAYAHANG LUMAHOK:
• Mga nakasalamuha ng kumpirmadong TB patient at mga kasama sa kanilang Bahay
• Mga taong nabubuhay na may HIV (PLHIV)
• Mga senior citizen (60 taong gulang pataas)
• Mga may diabetes at altapresyon
• Mga naninigarilyo
• Mga benepisyaryo ng 4Ps
• Mga Cancer patient
• Mga TODA driver
• Mga indibidwal na 15 taong gulang pataas na may mga sintomas ng TB
(hal. ubo ng dalawang linggo o higit pa, pagbaba ng timbang, pagpapawis sa gabi, lagnat)
• Mga Healthcare Worker (RHU staff, BHWs, at BNS)
📍Magpalista sa pianakamalapit na barangay health station
📝 Paalala: Ang mga aplikanteng nangangailangan ng Chest X-ray para sa Health Card Renewal ay maaari ring ma-accommodate.
📣 Magtulungan tayo upang wakasan ang TB sa ating komunidad!
🫁 Ang maagang pagsusuri ay nagliligtas ng buhay. Kita-kits po! 💪