Biñan City Epidemiology & Surveillance Unit

  • Home
  • Biñan City Epidemiology & Surveillance Unit

Biñan City Epidemiology & Surveillance Unit A unit under the City Health Office 1 - Biñan Laguna
Responsible for collecting, analyzing and diss

🚨 MAY LIBRENG DOXYCYCLINE SA MGA HEALTH FACILITIES NG LUNGSOD NG BIÑAN! 💊🌧️ Nakaranas ng flash flood ang ilang bahagi ng...
01/08/2026

🚨 MAY LIBRENG DOXYCYCLINE SA MGA HEALTH FACILITIES NG LUNGSOD NG BIÑAN! 💊

🌧️ Nakaranas ng flash flood ang ilang bahagi ng Lungsod ng Biñan nitong mga nakalipas na oras. Dahil dito, pinapaalalahanan ang lahat na maging mapagmatyag laban sa Leptospirosis, isang sakit na maaaring makuha mula sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng mga hayop.

Ang Doxycycline ay isang antibiotic na maaaring ibigay para sa pag-iwas (post-exposure prophylaxis) o paggamot ng Leptospirosis, depende sa resulta ng pagsusuri at rekomendasyon ng ating mga healthcare professionals.

📍 Available ang LIBRENG Doxycycline sa:
🏥 City Health Office (CHO) – Santo Domingo Urban Health Center
🏥 San Antonio Urban Health Center
🏥 Langkiwa Urban Health Center
🏥 Lahat ng Barangay Health Stations

⚠️ PAALALA: Ang Doxycycline ay hindi over-the-counter na gamot. Kinakailangang ma-assess muna ng doctor, nurse, o midwife upang matukoy kung ito ay angkop sa inyong kondisyon. Bibigyan din kayo ng tamang gabay sa wastong pag-inom ng gamot.

👥 Mas mataas ang panganib na magkaroon ng Leptospirosis ang mga sumusunod:
✅ Mga kasali sa clean-up operations at sanitation workers
✅ Mga garbage collectors
✅ Rescue at emergency responders
✅ Construction workers at drainage maintenance personnel
✅ Mga driver at motorcycle riders na madalas lumulusong sa baha
✅ Mga market vendors at kanilang helpers
✅ Mga residenteng nakatira sa mabababang lugar na madalas bahain
✅ Mga evacuees na bumabalik sa kanilang mga tahanan matapos ang pagbaha

💧 Mga Paalala sa Pag-iwas sa Leptospirosis:
✔️ Iwasang lumusong sa baha hangga't maaari.
✔️ Kung hindi ito maiiwasan, magsuot ng bota o iba pang protective gear.
✔️ Hugasan agad ang katawan, paa, at anumang sugat gamit ang malinis na tubig at sabon pagkatapos malusong sa baha.
✔️ Kung lumusong sa baha o nalubog sa baha, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility upang ma-assess kung kailangan ng Doxycycline.
✔️ Agad ding magpakonsulta kung nakararanas ng lagnat, pananakit ng kalamnan, pananakit ng ulo, pamumula ng mata, o iba pang sintomas.

🩺 Huwag basta-basta uminom ng antibiotic nang walang payo ng healthcare professional. Ang hindi wastong paggamit ng antibiotics ay maaaring makasama sa inyong kalusugan.

💚 Ang maagap na pagpapatingin, tamang gamot, at agarang paggamot ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon ng Leptospirosis.

Ibayong pag-iingat po ang paalala ng City Health Office sa pangunguna ni Dr. Arlene Alonte Ancheta City Health Officer at Mayor GEL Alonte. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat Biñanense!

July 17, 2026 | The City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) of the Biñan City Health Office successfully conducte...
17/07/2026

July 17, 2026 | The City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) of the Biñan City Health Office successfully conducted an Orientation on the CESU Ordinance, Philippine Integrated Disease Surveillance and Response (PIDSR), Adverse Events Following Immunization (AEFI) in preparation for the Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA), and the GEL Health Alert System for the DOH-Deployed Human Resources for Health (HRH) assigned in the City of Biñan.

The activity aimed to equip our DOH-deployed HRH with the knowledge and skills needed to strengthen disease surveillance, ensure timely and accurate reporting of notifiable diseases, promote vaccine safety through proper AEFI monitoring and reporting, and enhance the use of the GEL Health Alert System in safeguarding the health of every Biñanense.

Special thanks to Mayor GEL Alonte for her unwavering support in advancing quality healthcare services, and to Dr. Arlene Alonte Ancheta, City Health Officer, for her leadership in strengthening public health programs and disease surveillance initiatives in the City of Biñan.

18/06/2026
GEL Health Alert Monitoring, One-on-One Tutorial, and Compliance Visit | Biñan Doctors HospitalBilang bahagi ng patuloy ...
18/06/2026

GEL Health Alert Monitoring, One-on-One Tutorial, and Compliance Visit | Biñan Doctors Hospital

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng health surveillance at reporting system, nagsagawa ng GEL (𝙂𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘰𝘴, 𝙀𝘣𝘢𝘭𝘸𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘵𝘪𝘺𝘢𝘬, 𝙇𝘶𝘯𝘢𝘴 𝘢𝘺 𝘢𝘨𝘢𝘥) Health Alert Monitoring, One-on-One Tutorial, at Compliance Visit sa Biñan Doctors Hospital.

Tinalakay ang tamang paggamit ng QuickSEND Module, MPDSR, Bantay Buntis Module, at Community Health Information Surveillance Monitoring and Incident System (CHISMIS) upang matiyak ang napapanahon, kumpleto, at dekalidad na pagsusumite ng health reports.

Sa patuloy na suporta nina MMayor GEL Alonteat Dr. AArlene Alonte Ancheta City Health Officer, patuloy nating isinusulong ang mas mahusay na health data reporting para sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa pangangailangang pangkalusugan ng bawat Biñanense.

“Sa G.E.L., bawat datos ay may katapat na aksyon.”

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ating health surveillance at reporting system, nagsagawa ng One-on-One Tutor...
17/06/2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ating health surveillance at reporting system, nagsagawa ng One-on-One Tutorial and Monitoring sa GEL (𝙂𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘰𝘴, 𝙀𝘣𝘢𝘭𝘸𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘵𝘪𝘺𝘢𝘬, 𝙇𝘶𝘯𝘢𝘴 𝘢𝘺 𝘢𝘨𝘢𝘥) Health Alert System sa Biñan City Hospital.

Ang tutorial at monitoring ay isinagawa para sa Disease Surveillance Officer, SMP Coordinator ng Binan City Hospital na nakatuon sa tamang paggamit ng QuickSEND Module, MPDSR, at Bantay Buntis Module.

Sa patuloy na suporta nina Mayor GEL Alonte at Dr. Arlene Alonte Ancheta, City Health Officer, layunin ng aktibidad na mapahusay ang kalidad, tama at pagiging maagap ng health data reporting upang mas maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng bawat Biñanense.

“Sa G.E.L., bawat datos ay may katapat na aksyon.”

16/06/2026

Biñanenses, makiisa sa paglaban kontra dengue!

Ngayong buwan ng Hunyo, ginugunita natin ang Dengue Awareness Month bilang paalala sa bawat isa na panatilihing malinis at ligtas ang ating kapaligiran laban sa dengue.

Sa panahon ng tag-ulan, tumataas ang panganib ng pagdami ng mga lamok dahil sa naipong tubig sa mga bakuran, kanal, paso, gulong, at iba pang lalagyan na maaaring maging pamugaran ng lamok na nagdadala ng dengue.

✅ Maglinis ng kapaligiran
✅ Tanggalin ang mga naipong tubig
✅ Takpan ang mga lalagyan ng tubig
✅ Magsuot ng proteksiyon laban sa kagat ng lamok
✅ Magpakonsulta agad kung may sintomas ng dengue
✅ Makilahok sa mga gaganaping Dengue Awareness Lectures, clean-up drives, at iba pang dengue prevention activities sa inyong mga barangay

Ang dengue ay maiiwasan kung tayo ay sama-samang kikilos. Maging bahagi ng solusyon at tumulong sa pagpapanatiling ligtas at malusog ang ating komunidad sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga programa at aktibidad ng inyong barangay para sa pag-iwas at pagkontrol ng dengue.

Alagaan ang kalusugan. Linisin ang kapaligiran. Sugpuin ang dengue.

Sama-sama nating protektahan ang bawat pamilyang Biñanense laban sa dengue ngayong tag-ulan.

Para sa iba pang health advisories, updates, at impormasyon tungkol sa mga aktibidad kaugnay ng Dengue Awareness Month, i-like at i-follow ang official page ng Biñan City Health Office

23/04/2026

PANOORIN: Summer Tips mula kay Mayor GEL🏖☀️💗

17/04/2026
𝗨𝗺𝗶𝗻𝗼𝗺 𝗸𝗮 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗯𝗶𝗴? 💧𝗦𝘁𝗮𝘆 𝗛𝘆𝗱𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗴-𝗶𝗻𝗶𝘁! ☀️Narito ang ilang HEALTH TIPS upang malabanan at maiwasan an...
04/04/2026

𝗨𝗺𝗶𝗻𝗼𝗺 𝗸𝗮 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗯𝗶𝗴? 💧
𝗦𝘁𝗮𝘆 𝗛𝘆𝗱𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗴-𝗶𝗻𝗶𝘁! ☀️

Narito ang ilang HEALTH TIPS upang malabanan at maiwasan ang dehydration:
💦 Palaging uminom ng tubig hindi lang tuwing nauuhaw
🚰 Magdala ng water bottle kahit saan magpunta
👕 Magsuot ng presko at komportableng damit
🍉 Kumain ng prutas at gulay na mataas ang water content
🍺 Limitahan ang pag-inom ng alak, kape, o tsaa
🚿 Maligo upang maibsan ang mainit na pakiramdam sa katawan

Beat the heat para iwas sa sakit! Sundin lamang ang mga gabay ng DOH upang mapanatiling malusog at malakas ang katawan laban sa heat-related illnesses.

Address

Brgy. Sto. Domingo

4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Biñan City Epidemiology & Surveillance Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Biñan City Epidemiology & Surveillance Unit:

Shortcuts

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share