11/08/2026
“Ito pa ma’am, oh. Kapain mo.” - patient
✨Blast Injury✨
Sa blast injury, maraming shrapnels pa rin ang naiiwang nakabaon sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng pasyente. Shrapnels - ito ‘yung maliliit na metal fragments na galing sa mga sumabog na explosive devices. Madalas hindi na ito inaalis ng surgeon dahil sa pag-alis nito, maaaring mas makasama pa sa pasyente. Lalo na kung ang mga ito ay nakabaon sa mga critical areas tulad ng ulo, baga, malapit sa puso at iba pang major blood vessels.
Ika nga nila, “If it’s not broken, don’t fix it.”
Common sa mga pasyenteng may blast injuries ang tinatawag na Traumatic Brain Injury (TBI) at Brachial Plexus Injury (BPI). Sa ganitong diagnoses, hindi tatalab ang hilot ni Mang Kekong. Kaya importanteng kumonsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang gamutan.
‘Yun lang. The more you know! 😎