31/08/2026
Nagdaos ng indignation rally ang grupong Kilos Bulacan sa Malolos ngayong Lunes, Agosto 31,2026, upang ipanawagan ang pagtugon sa patuloy na pagbaha, pagpapanagot sa mga umano’y katiwalian, at pagtigil sa reclamation projects sa lalawigan.
Mahigit 20 grupo mula sa iba’t ibang sektor ang nakiisa sa demonstrasyon, na nananawagan ng mas matibay na aksyon at pananagutan kaugnay ng mga isyung nakaaapekto sa kapaligiran at mga komunidad sa Bulacan. | Pinascope