20/06/2025
Mga Physical na Benepisyo ng Massage :
Pagtanggal ng Muscle Tension
Nakakatulong ang masahe para ma-relax ang mga matitigas na kalamnan at mabawasan ang sakit at paninigas ng katawan.
Pag-improve ng Blood Circulation
Ang presyon sa masahe ay tumutulong mag-improve ng blood flow, kaya mabilis na nakakadaloy ang oxygen at nutrients sa katawan.
Pinapalakas ang Immune System
Ang regular na masahe ay nakakatulong palakasin ang immune system, kaya tumataas ang pag-produce ng white blood cells na lumalaban sa infection.
Pampatanggal ng Sakit at Inflammation
Para sa mga may injury o mga may chronic pain, ang masahe ay nakakatulong magbigay ginhawa at magpababa ng inflammation.
Pag-improve ng Range of Motion
Kung ikaw ay atleta o may mga matitigas na joints, ang masahe ay nakakatulong mag-improve ng flexibility at mag-prevent ng injury.
Mas Magandang Tulog
Ang masahe ay nakakapag-trigger ng relaxation response sa katawan, kaya nakakatulong mag-improve ng kalidad ng tulog.