28/05/2026
Personal na nakipagpulong si Mr. Edilfren L. Jusa Jr. ng Jusa Funeral Home kay Municipal Mayor Hon. Kristoffer G. Calvez upang ipabatid ang kanilang layunin na makipag-partner sa Lokal na Pamahalaan ng Trento, Agusan del Sur para sa mas maayos at episyenteng serbisyong alay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.
Tiniyak ng Jusa Funeral Home na mananatiling abot-kaya at maayos ang kanilang serbisyo, kabilang ang organisadong scheduling ng burial upang hindi na maging dagdag-pasanin sa mga apektadong pamilya.
Ipinahayag naman ni Mayor Calvez ang buong suporta sa nasabing inisyatiba, na aniyaโy makatutulong upang higit pang mapalakas ang serbisyong panlipunan para sa mga Trentohanon.
Kasama rin sa pagpupulong si dating Kapitan at kasalukuyang Kagawad ng Brgy. San Isidro, Trento, Charles Gableo, na nagpahayag din ng kanilang suporta sa nasabing partnership.
JUSA FUNERAL HOME